Grupo natibag dahil sa pera | Bandera

Grupo natibag dahil sa pera

Den Macaranas - April 17, 2019 - 12:15 AM

PERA ang dahilan kung bakit nawasak at nabasag ang samahan ng isang grupo ng mga politikong pare-pareho ngayong masakit ang ulo.
Sa dami ng pinag-daanan nilang kontrobersiya ay iilan lang pala ang nakinabang sa pondo pero tinamaan naman ng grabeng karma.
Ilang linggo bago ang halalan ay naghahabol sa ratings at suporta ng mga botante ang grupong ito na halos ay hindi makita sa radar ang kanilang mga puntos sa anumang surveys.
Sinabi ng ating Cricket na mabilis na bumawi ang panahon sa dating magkakaibigan.
Malinaw ito sa mga pangyayari sa mga nakalipas na buwan dahil lahat sila pati na ang kanilang mga tagasuporta ay parang mga dugyot na basahan na tinalikuran ng mga dating tagasuporta.
Pinakamasakit dito ay may namatayan pa ng asawa dahil sa pinaniniwalaan ng ilan na karma.
Pero ang common denominator nila ay tila nalalapit na ring matuldukan ang kani-kanilang mga political career.
At dahil panahon ngayon ng pagtitika, ilang mga nakapaligid sa mga major
player ng grupo ang nagpanukala na mu-ling magsama-sama ang grupo para sa isang spiritual retreat.
Ang problema, mukhang hindi sila mabubuo dahil sa grabeng awayan sa loob ng grupo na nakasentro nga sa pera.
Iyan din ang dahilan kung bakit kanya-kanya na muna sila ng diskarte sa pa-ngangampanya.
Pati ang mga kaalyado nilang mga lider ng simbahan ay wala nang magawa para pagsamahin ang mga top brass ng grupong ito.
Di na kailangan ng mabigat na clue dahil iisang kulay lang naman ang tinutukoy sa artikulong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending