Sharon, Vilma, Susan puring-puri ni Erik Matti: Ibang klaseng magtrabaho!
PALILIPASIN ni Sharon Cuneta ang Holy Week sa South Korea matapos ang madugong shooting ng horror movie niyang “Kuwaresma” under director Erik Matti for Reality Entertainment.
Eh, pagbalik sa bansa ng Megastar, sagaran ang gagawin niyang promotions para sa unang all-out suspense-thriller.
Ayon kay direk Erik, madugo at sobrang pisikal ang shooting nila sa mga eksena. Ang naging maganda sa shooting, walang naging problema dahil magagaling at very cooperative ang mga artista niya.
“Saka marespeto talaga ang seasoned actors gaya ni Sharon. I’ve directed Vilma Santos, Susan Roces, naramdaman ko ‘yung respect sa kanila hindi gaya ng mga baguhang artista ngayon,” chika ni Direk Erik nang aming makausap recently.
After “Kuwaresma,” gagawin naman ni Matti ang isang original series para sa HBO Asia, ang “Food Lore” kung saan Filipino food naman ang ibabandera niya.
“May on-going kami ngayon, ‘yung On The Job (2). Pero sisimulan ko ngayong June ang HBO originals. Eight kaming countries, Japan, Singapore, Taiwan, may Malaysia.
“Yung sa Pilipinas, ako ang gagawa. Kuwento ng isang OFW na nagluluto para sa pinagtatrabahuhan niya.
Nakakaiyak. All the way drama,” saad ng premyadong writer-director.
Ang blockbuster na “Buy Bust” ang huling ginawa ni direk Matti. Pagdating sa horror movies, siya ang nasa likod ng filmfest topgrosser na “Seklusyon” at nagdirek ng pelikulang “Tiktik Chroniles” 1 and 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.