Kiray: Kasal muna bago baby, gusto kong mabuntis pag 34 na ko
GULAT na gulat si Kiray Celis sa tanong kung nagli-live in na sila ng kanyang businessman boyfriend na until now ay hindi pa rin niya ipinakikilala sa publiko.
Nakachikahan namin ang dalaga bago magsimula ang presscon ng bagong Kapuso primetime series na Love You Two kung saan gaganap nga siyang BFF ni Jennylyn Mercado.
Unang tanong namin kay Kiray kung kailan ba niya ipakikilala ang dyowa niya sa buong universe? “Saka na kapag kasal na kami. Ha-hahahaha!”
Ayaw ba niyang papasukin sa mundo niya ang guy? “Iba kasi yung mundo niya, e. Kapag nagmahal ka ng taong may ibang mundo, puwede mo siyang i-tour sa mundo mo pero hindi mo siya puwedeng ipasok sa mundo mo.
“Nasa mundo siya ng business, e. Ako, nasa mundo ng showbiz. So, hindi ever, ever ko siyang ipasok dito.
Kasi siyempre, ang mga businessman, meron silang sariling private life na dapat private lang yun para sa kanila.
“E ako, ano ako, public figure ako. So, kahit sino, puwede kong sabihin. Kahit sino, pwede kong pakisamahan. Pero hindi siya ganoon. Happy naman ako, kasi, hindi naman kami nagtatago, e. Kahit saan, pumupunta kami.
“Pero hindi kailangang i-announce kung ano ang pangalan. Hindi kailangang i-announce kung anong itsura, di ba? Kung makita n’yo kami, yun na siya. Hello! Basta tao siya!” paliwanag pa ng komedyana.
Inamin niyang two years na silang magkarelasyon ng lalaki at kasosyo niya ito sa mga negosyo pero aniya hindo sila nagli-live in. Hindi ba niya naiisip ang ganu’ng set up?
“Sa ngayon, hindi po. Actually, bago ako magmahal, naisip ko na parang medyo weird nga kung hindi pa kayo nagpapakasal, tapos, makipag-live in ka?
“Kasi, anytime, kapag nagsama kayo sa bahay, siyempre anytime puwede kayong magkaanak, or magka-baby, di ba? Pero pag mahal mo pala, gusto mo, lagi mong kasama. Parang kapag mahal mo, ayaw mo nang matapos ang oras.
“Pero hindi pa po naman namin naiisip. May sarili siyang priority, may sarili rin akong priority. Masaya na kami na nagkikita kami kapag merong time, pag walang trabaho,” paliwanag pa ni Kiray.
How about baby? “Wala po. Siguro pag 34 na po ako. Pero sabi ng OB Gyn, kasi, nagka-UTI ako, sabi dapat trenta, meron na. Pero para sa akin, 34. Kasi, parang ngayon pa lang ako… first boyfriend ko po kasi siya, e.
“So, 24 ako ngayon, parang ngayon pa lang ako lumalabas sa shell ko na first date ko siya, first nood ng sine. Parang ngayon ko lang nata-try lahat! Kasal muna bago baby.
“Ngayon pa lang ako nag-e-explore sa sarili ko at saka sa mundo ko na, ‘Ohh, ganoon pala.’ Kaya ko palang gawin ‘yon na manood kami na kaming dalawa lang, alam mo ‘yon?” kinikilig na chika pa ni Kiray.
Si Jerald Napoles ang ka-loveteam ni Kiray sa seryeng Love You Two na magsisimula na sa April 22 after Sahaya sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.