Jeric pumayag maghubo’t hubad bilang biktima ng pang-aabuso

By Alex Brosas April 16,2019
share this

Jeric pumayag maghubo’t hubad bilang biktima ng pang-aabuso

By Alex Brosas April 16,2019
share this

JERIC GONZALES

Most challenging so far ang sex slave role ni Jeric Gonzales sa Magpakailanman episode na ipalalabas soon.

“Medyo nagpakita ako ng katawan dito kasi ayun nga, gusto ng director na ipakita na na-abuse ako,” say ni Jeric before the proclamation of Rico Roque’s candidacy as mayor of Pandi, Bulacan.

“Pinag-usapan po naming mabuti ang mga gagawin namin kasi medyo maselan nga po. May limitation naman po ang TV pero ang ginawa namin dito ay sexy enough. Hindi namin siya dinaya. ‘Yung suot ko dito (private part), ‘yung manipis lang talaga na parang skin-toned para pag dinaanan ng camera siyempre parang walang suot talaga.

“Tapos hindi sinabi ng director kung ano ang gagawin sa akin ni Sue Prado para ma-surprise ako. Medyo nagulat talaga ako. In-abuse ako ni Sue dito, siya ‘yung nang-harass,” kuwento ng aktor.

Effort kay Jeric to portray an abused guy kasi, “Wala po kasi akong kasing idea sa abuse. Medyo nahirapan ako dito. Nakatulong sa akin si Sue bilang aktres, magaling siya. Siya talaga ‘yung…tinali niya ako, pinosas.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending