Sigaw ni Janine: ‘Patayin sa sindak si Joyce Ching!’

By Bandera April 16,2019
share this

Sigaw ni Janine: ‘Patayin sa sindak si Joyce Ching!’

By Bandera April 16,2019
share this

JOYCE CHING AT JANINE GUTIERREZ

Mas lalo pang tumitindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime na Dragon Lady after Eat Bulaga.

Ngayong Semana Santa, siguradong penitensya ang aabutin ng mga kontrabidang sina Astrid (Joyce Ching) at Vera (Maricar de Mesa) sa paghihiganti ni Yna (Janine Gutierrez).

Pagkatapos niyang pagselosin si Astrid sa pamamagitan ng pag-akit kay Michael (Tom Rodriguez), papatayin sa sindak ni Yna ang mga taong umapi at nagtangkang pumatay sa kanya.

Hindi titigil si Dragon Lady hangga’t hindi nasisingil ang pagkakautang ng mga taong napahirap sa kanya at sa kanyang pamilya. Pero hanggang saan nga ba aabot ang kanyang paghihiganti? Hindi kaya siya rin ang magsisi sa huli sa ginagawa niyang pagresbak?

Yan ang tutukan sa pagpapatuloy ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending