Sino sinungaling sa isyu ng kuryente, si Cusi o NGCP? | Bandera

Sino sinungaling sa isyu ng kuryente, si Cusi o NGCP?

Jake Maderazo - April 15, 2019 - 12:15 AM

NITONG Enero, panay ang press release ni Energy Secretary Al Cusi na stable raw ang suplay ng kuryente ngayong tag-init at sa mismong araw ng May 13 elections.
Ang National Grid Corporation (NGCP) ay nagpahayag noon ding Enero na tataas ang demand sa kuryente na 11,403 Megawatts ngayong Mayo, at mas mataas ito ng 527 MW kumpara noong 2018.
Pero, Abril pa lamang ay sunud-sunod na ang mga yellow at red alerts at pagsasara ng mga power plants. Umiiral na ang mga “rotational brownouts” sa Meralco franchise area at maging sa mga probinsya.
Marami ang nagsasabi na delikado na rin ang eleksyon sa Mayo 13 sa mga brownouts.
At sa kabila ng magkaibang electricity forecast ng Department of Energy at ng NGCP, sino ba sa kanila ang nagsisinunga-ling, si Cusi o ang NGCP?
May nangyayari bang “coverup” sa totoong power situation? Sa totoo lang, napanood na natin ito noong November-December 2013 at 2017 power crises, at ang laging resulta, ay mas mataas nating bill sa Meralco.
Tayo kasi ang nagbabayad sa lugi ng mga power plants kasama sa “electicity spot market”.
Noong krisis ng 2016, ang bentahan ng “per kilowatt hour” ng mga power plants sa WESM (Wholesame Electricity Spot Market) ay umabot sa P30,710, at kahit ang regular na presyo ay P2/kwh lamang. Nabulgar din ang manipulasyon ng presyo ng kuryente at mistulang na-ging sindikato ang operas-yon ng WESM na kinunsinti naman ng PSALM (Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation) na ahensya ng gobyerno.
May kinasuhan bang power plant operator? May nakulong ba? Wala! Tayo pa nga ang nagbayad ng kanilang manipulasyon.
May na-refund ba? Wala!
Pagpasok ni Pangulong Duterte, agad niyang sinibak ang mga dating opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa sunud-sunod na mga anomalya at itinalaga si dating Justice Secretary Agnes Devanadera bilang Chairperson.
Nitong June 2018, bumitaw ang DOE sa WESM na nagbago rin ng pa-ngalan at naging Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) at si Francis Sa-turnino Juan ang presidente nito.
At dahil sunud-sunod ang power shutdowns, lumilipad na naman ang presyo ng kuryente sa bagong IEMOP (dating WESM). Ika nga, lumang aso, bagong kwelyo. Palpak talaga itong parusang EPIRA LAW (RA 9136) na isinabatas noong 2001 na hindi man lang naamyendahan ng nakaraang mga Kongreso.
Ang pangako na “efficiency” sa power distribution at mas mababang singil sa kuryente ay drowing lamang.
Matapos ang 18 taon, kabaligtaran ang nangyari. Lalong lumakas ang “corporate oligopoly” kung saan lantaran ang “cross-ownership” ng mga power plants ng iilang mayayaman sa bansa.
Bukod diyan, ang sobrang binatikos na “purchased power adjustments” (PPA) ng noo’y mga Independent Power Producers (IPP) na may government guarantee, nagbalik at pinalitan lamang ng ‘performance-based regulation” (PBR), kung saan nabalewala na ang pagiging “public utility “ nito at tabo-tabo ang kita sa mga “stranded costs” na tayo ang nagbabayad.
Ni walang mga bagong plantang itinatayo. At napipinto naman ang krisis sa mga susunod na taon.
At wala na tayong mapuntahan, kulang ang suplay ng kuryente, kulang ang tubig, at ito’y pinakamataas na sa buong Asya.
Matapos ang 18 taon ng EPIRA, may aasahan pa ba tayo sa gobyerno?

Panoorin ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM Lunes-Biyernes at mag-email sa [email protected] para sa comments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending