Jennylyn, Shaira na-starstruck kay Gabby, pero lumaban ng halikan sa ‘Love You Two’ | Bandera

Jennylyn, Shaira na-starstruck kay Gabby, pero lumaban ng halikan sa ‘Love You Two’

Bandera - April 13, 2019 - 12:25 AM

GABBY CONCEPCION, JENNYLYN MERCADO AT SHAIRA DIAZ

IN fairness talaga kay Gabby Concepcion, kahit may edad na, ang tindi pa rin ng sex appeal at karisma.

Pabata nang pabata ang nagiging leading lady ng aktor sa mga ginagawa niyang teleserye. Pagkatapos nga nina Ryza Cenon at Sunshine Dizon na nakasama niya sa Ika-6 Na Utos, sina Jennylyn Mercado at Shaira Diaz naman ang mag-aagawa sa kanya sa latest primetime series ng GMA, ang Love You Two.

Inamin nina Jen at Shaira na pareho silang na-starstruck kay Gabby lalo na nu’ng mga unang araw ng kanilang taping. Imagine nga naman, dati lang nilang pinapanood sa mga pelikula ngayon ay leading man na nila.

Chika pa ng dalawang Kapuso stars, talagang pressured silang makatrabaho ang ’80s matinee idol. Pero sey ni Jen, napakagaang katrabaho ng aktor at napapadali ang mga eksena nila dahil generous daw si Gabby as partner, lalo na sa mga pakilig at kissing scenes nila as Raffy and Jake.

Sa trailer pa nga lang ng serye ay kilig na kilig na ang mga Kapuso viewers, patunay lang na si Jen pa rin ang RomCom Queen ngayon.

Sey naman ni Shaira, pressured at kabado siya sa role niya sa Love You Two dahil medyo daring at aggressive nga ang karakter niya bilang si Sam, kapatid ni Raffy na mai-in love rin kay Jake kahit na mas matanda ito sa kanya ng 20 years.

“Hanggang ngayon nasa adjusting stage pa ko kasi ‘yung mga scene namin ni Gabby ngayon medyo light pa. Pero may mga scene kasi na medyo papuntang daring na, so kinakabahan ako ng sobra,” kuwento ni Shaira sa ginanap na presscon ng Love You Two kamakalawa ng gabi.

Dagdag pa ng dalaga, “Yes, may pressure, may kaba, may ilang ng konti. May kissing scenes kami ni Gabby, medyo marami siya. Ganu’n kabago para sa akin ‘yung role, sobrang challenging.”

“Tinutulungan din niya akong huwag mailang through joking. Lagi niya akong kinakausap. Yung parang gumagawa din s’ya ng way para mayroon kaming bonding,” sey pa ni Shaira.

Ayon pa sa dalaga, magandang abangan kung paano nga ba haharapin ng magsisteraka na super close sa isa’t isa ang katotohanang iisa lang ang lalaking kanilang minamahal? Ipaglalaban ba nila ang kanilang nararamdaman kahit na alam nilang may masasaktan? Sino kaya ang magkakaroon ng happy ending?

Makakasama rin sa Love You Two sina Solenn Heussaff as Lianne, ang free-spirited ex-fiancée ni Jake; Sheena Halili as Nina, Jake’s caring executive assistant; Jerald Napoles as Harrison, kuya nina Raffy at Sam; Kiray Celis bilang Darling, ang BFF ng mag-sister na may gusto kay Harrison; Nar Cabico as Migs, manager ng hotel na pag-aari ni Jake na magiging confidante ni Raffy.

Ka-join din sa serye sina Yasser Marta, Michelle Dee, Clint Bondad, Freddie Webb, Madeleine Nicolas at Joshua Zamora. Ito’y sa direksyon ni Irene Villamor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang Love You Two ngayong April 22, after Sahaya sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending