Allianz National Youth Futsal Invitational umarangkada na

April 12,2019
share this

Allianz National Youth Futsal Invitational umarangkada na

April 12,2019
share this

Caption: (mula kailwa) Catherine Angelica Bradborn ng Pampanga, Juan Miguel Basmayor ng Maynila at Ivy Tapiz ng Dipolog, ang mga kinatawan ng Pilipinas sa 2018  Allianz Explorer Camp Football Edition sa Munich, Germany.

Isa sa pinakaaabangan ng mga kabataan tuwing summer ay ang Allianz National Youth Futsal Invitational (ANYFI) kung saan bukod sa natututong maglaro ang mga bata ay may pagkakataon pa silang mangibang bansa at makalaro ang mga football at futsal players mula iba-ibang bansa.
Sa ikatlong sunod na taon ay naging kaagapay ng mga batang manlalaro ang Allianz na nagkapagpadala  ng dalawang batang Pinoy noong 2017 at tatlo noong isang taon sa Allianz Explorer Camp Football Edition sa Munich, Germany.
Sa taong ito ay muling nakipag-alyansa ang Allianz Philippines sa  Henry V. Moran Foundation at  Philippine Football Federation (PFF)  para isagawa ang Allianz National Youth Futsal Invitational (ANYFI) sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas.
Nag-umpisa na noong Abril 8 ang Bacolod City qualifying leg.
Susundan ito ng iba pang qualifying leg sa Tubod, Lanao del Norte  sa Abril 13-14; Lingayan, Pangasinan sa  Abril 23-24; Iloilo City sa  Mayo 2-3; Cebu City sa Mayo 11-12; Muntinlupa, Metro Manila sa  Mayo 8-9; Davao City sa Mayo 8-9;   Koronadal, South Cotabato sa Mayo 11-12; at Angeles City, Pampanga  sa   Mayo 25-26.
Ang futsal is isang disiplina ng larong football na nilalaro sa indoor court.
“We have sent our most talented Filipino players in one of the best if not the best football camps in Asia and Europe.   We have also brought them to train at the FC Bayern training grounds of Sabener Strasse in Munich, Germany, and they have shown that they can indeed play amongst the best young football and futsal players in the world,” sabi ni Rei Abrazaldo, Brand Communications at Digital Director ng Allianz Philippines.
“Last year, Juan Miguel Basmayor (Manila) and Catherine Angelica Bradborn (Pampanga) went home with silver and bronze medals in the 2018 edition of the Allianz Explorer Camp in Germany. A third representative Ivy Tapiz (Dipolog) did a great performance leading her team from various countries.”
Naniniwala ang Allianz at ang Henry V. Moran Foundation sa kakayahan ng batang Pilipino sa larangan ng football kaya naman bigay-todo ang suportang ibinibigay nito.
“The Philippines is teeming with talents in football. We just need to give our youth the support and venue to further hone their skills and excel in the sport. In the Philippines, this can be easily achieved through futsal, a sport that can be organized and played in gyms. It’s proven across the world that futsal develops better football players, and our experience tells us that futsal is an appropriate development approach for the Philippine setting,” sabi ni Danny Moran, Chairman ng Henry V. Moran Foundation, isang nonprofit organization na may layuning tumulong  sa kabataan sa pampublikong paaralan sa pamamagitan ng  football at futsal.
Buo rin ang suporta ng PFF sa ANYFI.
 “The PFF is always pleased to see private entities like Allianz and the Henry V. Moran Foundation in helping us grow the sport of futsal in the country.  Allianz’s support is a welcome act by the PFF and we hope that the children who join this tournament will have fun and display their skills and talents throughout the competition,” sabi ni PFF General Secretary Atty. Edwin Gastanes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending