Arci ready nang pakasal: Anytime, anywhere!
“YES!” Yan ang siguradong isasagot ng Kapamilya actress na si Arci Muñoz sakaling mag-propose na ang kanyang non-showbiz boyfriend.
Ayon sa dalaga, ready na siyang magpakasal sa kanyang businessman boyfriend na si Anthony Ng anytime.
“I think I’m ready whenever. I think I’m at the right age naman po and nagko-complement kami kasi nabibigyan ko ng spark yung kanyang boring life,” pahayag ni Arci sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.
Ayon pa sa aktres feeling niya si Anthony na talaga ang the one dahil nababalanse nito ang takbo ng kanyang buhay.
“Ako naman ‘tong baliw, spontaneous lang na hahatakin siya anywhere tapos siya naman yung nagko-control sa akin pag sobra na yung aking kabaliwan kagaya ng mga piercings, mga tattoos,” chika pa ng dalaga.
Kuwento ni Arci, nagulat si Anthony nang makita ang piercing niya sa bandang dibdib pero wala na raw itong nagawa.
Bukod dito, may isa pa siyang tattoo na hindi alam ni Anthony sabay pakita on national TV ng red heart tattoo sa loob ng kanyang bottom lip.
Samantala, naikuwento rin ni Arci na every year kapag sumasapit ang kanyang birthday ay naging panata na niya ang mag-cosplay.
“For the kids. Mahilig po talaga kasi ako sa mga anime pero sabi ko baka mas makaka-relate sila kung Disney Princesses. So every year po, every time na may birthday, magko-cosplay ako. Magde-dress up ako as a Disney Princess for the kids po for charity,” ani Arci.
Apat na taon na niya itong ginagawa, “I take them with me to an amusement park po. Tapos magra-rides kami, kakain,” kuwento pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.