Shaina lilipat na rin sa GMA7? | Bandera

Shaina lilipat na rin sa GMA7?

Reggee Bonoan |April 06,2019
facebook
share this

Shaina lilipat na rin sa GMA7?

Reggee Bonoan - April 06, 2019 - 12:08 AM

SHAINA MAGDAYAO

KALIWA’T kanan ang balitang lilipat na rin si Shaina Magdayao sa GMA 7 matapos ma-blind item na isa pang female celebrity na kapatid ng isang aktres ang aalis na rin sa ABS-CBN.

Actually dalawang aktres ang may kapatid sa Dos, sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga at sina Shaina at Vina Morales.

Wala sa bansa ngayon si Shaina nang lumabas ang balitang ito dahil may show sila ni Erik Santos sa Amerika at kung walang pagbabago ay ngayong araw ang dating ng dalawa.

Kaya ang panganay na kapatid ni Shaina ang tinawagan namin kahapon para hingan ng balita, si Sheila Magdayao.

Base sa pahayag ni Sheila ay nagsasabi raw ang mga kapatid niyang sina Vina at Shaina kapag may bago sa showbiz career nila at kung may mga plano. Talagang pinagmimitingan daw nila itong pamilya.

Sa isyung lilipat si Shaina sa GMA, “Wala namang nababanggit si Shaina, Regs kasi kung lilipat siya, magsasabi ‘yan. So far wala, eh.

“Saka alam ko may gagawin yata siya sa ABS, may mga show pa siya abroad, eh.

“Si Vina ang sobrang tuwang-tuwa kasi may bago siyang show ngayon (ang seryeng Sandugo) nag-taping na nga siya. Hayun panay ang post sa Instagram. Kaya alam ko ang nangyayari sa kanila kasi nagsasabi sila sa akin,” kuwento ni Sheila.

Sa tanong kung okay kay Sheila na lumipat si Shaina sa Kapuso Network, “E, kung may offer at maganda naman bakit hindi, di ba? Negosyo ‘yan, eh. Walang personalan. Saka nag-work hard na rin naman si Shaina sa ABS at binayaran naman din siya roon, so wala naman din masama if ever na lumipat siya.

“Kung malaki ang offer why not! Ganu’n naman, maaraming lumilipat sa GMA to ABS, then ABS to GMA, ganu’n lang ‘yun,” paliwanag ng ate ni Shaina.

Nagtanong naman kami sa Star Magic tungkol sa isyung ito pero wala silang alam, ang sabi sa amin may kontrata pa raw ang aktres sa Kapamilya Network.

Hmmmm, if ever na matuloy si Shaina sa GMA ay okay din para sa amin dahil tiyak na makakatrabaho niya roon ang una niyang ka-loveteam na si Rayver Cruz at posibleng isama pa ang rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang taray di ba, past and present ni Rayver posibleng makasama niya sa project at siguradong pag-uusapan ito kapag pinagsama-sama sila ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending