Duterte nagbabala ng military takeover sa Naia | Bandera

Duterte nagbabala ng military takeover sa Naia

- April 05, 2019 - 05:02 PM

NAGBABALA si Pangulong Duterte ng military takeover sa Ninoy Aquino Internaitonal Airport (Naia) sakaling mabigo ang mga opisyal nito na ayusin ang operasyon ng airport.

“‘Yang Naia na ‘yan ‘pag hindi kayo nag-improve diyan, magtake-over diyan Air Force. ‘Yan lang ang paraan diyan,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Puerto Princesa City, Palawan.

Idinagdag ni Duterte na matutulad ang Naia sa Bureau of Customs (BOC) matapos namang italaga si military chief Rey Leonardo Guerrero noong isang taon.

Noong Setyembre 2018, natanggap ng isang consortium composed na binubuo ng malalaking conglomerate sa bansa ang original proponent status (OPS) para sa rehabilitasyon ng Naia.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na posibleng itigil ang negosasyon sa consortium kung hindi magkakasunod bago matapos ang buwan.

“Tumatagal na ‘yung usapan kaya nga sinabi ko na gusto ko na lagyan ng cap,” ayon pa kay DOTr Secretary Arthur Tugade.

“Sabi ko by April 30, pag hindi pa tayo nagkasundo-sundo, gagawin na namin ‘yung mga proyekto at DOTr ang ia-assign, at itutuloy na namin yan,” dagdag pa ni Tugade.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending