Mapataas nga kaya ni Derek Ramsay ang rating ng GMA 7? | Bandera

Mapataas nga kaya ni Derek Ramsay ang rating ng GMA 7?

Alex Brosas - April 05, 2019 - 01:30 AM

DEREK RAMSAY

Pumirma na ng kontrata si Derek Ramsay sa GMA 7, thus officially ay Kapuso na siya.

Medyo natagalan yata ang pagpirma ni Derek ng contract dahil nagkasakit siya. Pero natuloy din sa wakas ang kanyang contract signing sa number two network sa bansa.

Hindi naman pala lahat ng netizens ay natuwa sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA. Marami rin ang mga nagmaasim.

“Kasi laos na sya sa Dos so hanap na naman ng ibang network. Shiiiiity.”

“Ang daming competition sa ABS! Sa GMA wala si Gabby Concepcion lang. Good move!”

“Maraming artista sa ABS-CBN na magaling at magagandang lalaki. Hindi sya priority. Ang GMA tagasalo ng laos sa ABS-CBN.”

“Di naman kawalan yan sa ABS CBN. Tsaka wala na siyang lugar don.”

“Baldado ka na Derek wag ka na umarte arte dyan!”

“Sana lang mapataas niya ang rating ng GMA para hindi naman nakakahiya ang paglipat niya.”

Hindi na maaabot ni Derek ang kasikatan. He is in the twilight of his career. Magiging panahog na lang siya sa mga soap opera ng Siyete. Of course, he can provide a change sa casting at isa pa’y mahusay naman siyang actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For us, welcome change ito para sa network dahil pare-pareho na lang ang nakikitang artista sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending