Sure na sure, wala akong lalabas na video scandal! – Polo Ravales
NAGPAKA-LEADING lady si Kiray Celis sa indie film na “Portrait of My Love” kung saan katambal niya ang hunk actor na si Polo Ravales.
Nagkaroon kami ng chance na mapanood ang pelikula sa ginanap na premiere night nito sa SM North EDSA cinema 6 kung saan present sina Kiray at Polo with the other members of the cast like Epy Quizon and Jeffrey Santos.
Ibang-ibang Kiray Celis ang mapapanood sa “Portrait of My Love” na idinirek ni Poap Manansala under RJ7 Films Entertainment na pag-aari ng mag-asawang Rojer at Jane Totanes. Hindi siya nag-all out comedy sa movie dahil mas binigyan ng bigat ang kanyang pagiging drama actress.
In fairness, may kilig factor din pala sina Kiray at Polo base na rin sa naging reaksyon ng mga nakapanood sa pelikula. Tilian sila kapag may sweet moments ang dalawa at tawanan naman ang audience sa mga nakakalokang eksena nila, lalo na kapag umentra na ang sindikato nina Jeffrey Santos.
“Sa romcom films ko before, hindi ako nabigyan ng chance na umarte ng seryoso but this time, ang kuwento kasi ng ‘Portrait of My Love’ is tungkol sa dalawang taong nagmamahalan hanggang sa kabilang buhay.
“Mas ipapakita ko dito na sincere na ako dahil hindi ko pa ‘yun napapakita sa mga naging role ko,” pahayag ni Kiray.
Hirit pa ng Kapuso actress “Noong nag-dubbing ako, napanood ko ‘yung mga scene namin. Hindi ko alam kung may problema ko noong mga panahong ‘yun.
“Ramdam ko ‘yung iyak ko kay Polo, ramdam ko ‘yung parang merong taong nawawala sa iyo na pinakamahalaga, ‘yung sakit na kapag merong umaalis sa buhay mo,” aniya pa.
“Umiiyak ako na galing talaga sa puso, hindi ko kailangan magpatawa kasi umiiyak talaga ko,” sabi pa ng dalaga.
Last year pa natapos ang “Portrait Of My Love” kaya mapapanood pa ang yumaong character actor na si Nonong “Bangkay” de Andres.
At kung nasaan man ngayon si Bangky, sigurong matutuwa siya sa ibinigay na importansiya sa kanya sa movie dahil above the title ang billing ng kanyang name sa poster ng “Portrait Of My Love.” At isa rin siya sa nagbigay ng mga nakakatawang eksena sa movie.
Nabalitaan namin na umabot sa P12 million ang ginastos ng RJ7 Films Entertainment sa pelikula nina Kiray at Polo kaya sana ay makabawi ang mga producer sa una nilang pagsabak sa pagpo-produce para makagawa pa sila ng mas maraming proyekto.
Bago magsimula ang “Portrait Of My Love”, nakachikahan namin at ng ilan pang entertainment writer ang leading man ni Kiray na si Polo tungkol sa pagdami ng mga artistang nasasangkot sa video scandal.
Ayon sa aktor, “Sa akin, hindi nila ginusto yun na lumabas, pero kahit papaano, meron…ginawa niyo yun, nag-video ka. Posible talagang lumabas ‘yun. Kapag nag-video ka, 50 percent, i-expect mo na lalabas.”
Paano kung masyado lang nagtiwala ang mga biktima ng kumalat na video scandal? “Hindi ako naniniwala. Kahit nga sa mag-asawa, kapag naghiwalay, puwedeng gamitin ang video para makabawi. Para masira yung tao.
“No, wala akong sympathy sa kanila. None. You should be really responsible. Nag-video ka, e,” matapang na opinyon ni Polo.
Sure na sure naman daw siya na wala siyang lalabas na video scandal, “Wala akong ganoon. Kung meron, e, di sana lumabas na, di ba? Maingat ako. Sa tingin niyo, kapag nagkaroon ako ng sex video, maraming manonood? Ha-hahaha!”
Samantala, natanong din ang aktor kung pabor siyang pangalanan ang mga nasa showbiz drug list ng PDEA, “Oo. For me, mas okey na pangalanan just to be fair. Kung politicians at pulis pinapangalanan, bakit hindi ang mga artista?
“Ako kasi, drug-free talaga ako. Kahit noong bata ako, hindi ako gumagamit ng illegal drugs,” aniya pa. Inamin din niya na may mga kakilala siyang kapwa celebrities na talagang gumagamit ng drugs. May nag-alok pa nga raw sa kanya.
“Meron pero tinanggihan ko. Sabi ko, hindi ko kaya. Baka hindi kaya ng katawan ko. Kayo ba, may kilala sa 31 celebrities? Baka puwede niyo sabihin?” sabi pa ni Polo na ang tinutukoy ay ang mga artistang nasa narco list ng PDEA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.