Kapuso hunk nagsalita na sa kumakalat na video scandal: I'm not hiding | Bandera

Kapuso hunk nagsalita na sa kumakalat na video scandal: I’m not hiding

Bandera |April 05,2019
facebook
share this

Kapuso hunk nagsalita na sa kumakalat na video scandal: I’m not hiding

Bandera - April 05, 2019 - 12:15 AM

IVAN DORSCHNER

Naaliw ang mga netizens sa tila naging sagot ng Kapuso hunk na si Ivan Dorschner tungkol sa chika na meron din daw siyang video scandal.

Kamakailan, may mga kumalat sa social media ng mga screen shots ng isang lalaki mula sa isang video.

Malaki raw ang pagkakahawig ng guy kay Ivan kaya marami ang naniwala na siya nga ang nasa video.

Karugtong daw ito ng isang video ng isang lalaki na nakahubad habang pinaliligaya ang kanyang sarili.

Isang video rin ang ipinost ni Ivan sa Instagram na sinasabing sagot niya sa umano’y video scandal niya, ito’y may caption na, “PSA: It’s 2019.” Ang PSA ay pinaikling “public service announcement.”

Sa unang bahagi nito ay makikitang seryoso ang mukha ng aktor at nag-dialogue ng, “I’m just gonna confront the issue head on. I’m not hiding.”

Biglang ibinaling ang camera sa ibabang bahagi ng kanyang katawan at tumutok sa kanyang harapan at nagsabing, “I’m gonna show you my tea,” sabay pakita sa hawak na milk tea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending