UPANG paigtingin ang serbisyo para sa mga overseas Filipino worker (OFW), naglunsad ang Department of Labor and Employment – Overseas Workers Welfare Administration (DOLE – OWWA) ng Hotline 1348.
Ang Hotline 1348 ay magbibigay ng ayuda sa mga tawag kaugnay sa iba’t-ibang programa ng OWWA, mga serbisyo at benepisyo, kabilang ang mga isyu sa employment contract, repatriation assistance, at iba pang OFW-related queries at concerns.
Sa pamamagitan ng Hotline 1348, mas madali nang makipag-ugnayan sa OWWA 24/7 Operations Center na responsable sa pag-monitor at pag-endorso ng mga OFW-related concern sa naaayon na sangay ng OWWA o iba pang ahensya ng pamahalaan upang agaran itong maaksyunan. Isa ito sa pamamaraan namin upang tuparin ang mandato ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na iangat ang mga programa at serbisyong ibinibigay sa mga OFW at sa kanilang pamilya
Maaaring tumawag sa Hotline 1348 ng 24/7, mula Lunes hanggang Linggo, kabilang ang mga holiday.
Kailangan lamang na i-dial ang 1348 sa landline o mobile phone.
Para sa mga nasa labas ng Metro Manila, maaari nilang i-dial ang (02) 1348 habang para sa mga kliyente sa ibang bansa naman ay i-dial ang 0632-1348.
Nais namin na ang mga OFW, at kanilang pamilya, maging ang publiko ay mabilis na makipag-ugnayan sa OWWA. Kaya naman inilunsad namin ang Hotline 1348 na mayroong mga tauhan na sinanay na tanggapin ang inyong mga tawag, magbigay ng impormasyon at mangalap ng request.
Ang paglulunsad ng hotline ay kasabay na rin ng pagtatapos na aktibidad ng OWWA para sa selebrasyon ng Women’s Month noong Marso 29, 2019, sa Ayuntamiento de Manila sa Intramuros.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.