Career ni Madam bulilyaso dahil sa sakim na kaanak ng mister
PANG tele-novela pala ang kwento ng isang dating mambabatas na naging pinuno rin ng isang departamento ng pamahalaan.
From rags to riches ang tema ng kwento ng kanyang buhay at hindi naging madali para sa kanya ang pag-asenso.
Ayon sa aking Cricket na isang abogado, noong araw ay naging kasambahay at dishwasher ng pamilya ng kanyang naging misis ang tinutukoy nating dating opisyal sa ating kwento.
Dahil kinakitaan ng talino ay binigyan ng pagkakataon ang nasabing dating opisyal ng kanyang naging amo para makapag-aral sa isang simpleng paaralan sa Leyte.
Tubong Bohol ang
ating bida at napadpad sa Leyte sa paghahanap ng mapapasukan.
Nang tumuntong sa kolehiyo ay naging scholar siya at nagtapos na cum laude.
Fastforward tayo, naging matagumpay ang ating bida hanggang sa maging duktor at kalaunan ay napangasawa niya ang isang lalaki na mula sa isang kilalang political clan sa Visayas.
Dahil pulitiko ang kanyang napangasawa ay nahilig na rin sa pulitika si Madam at noong una ay puro kapakanan ng mahihirap ang kanyang pangunahing inaasikaso hanggang sa siya ay ma-ging mambabatas.
Kaya ganun na lamang ang pagkadismaya ng ilan niyang mga tagasuporta nang siya’y masangkot sa isang iskandalo na involved ang malaking pera ng gobyerno.
Sinabi ng ilang nakapaligid sa kanya na ang mister ni Madam ang tumayong ahente sa isang proyekto na hanggang ngayon ay nakakabit na iskandalo sa nakalipas na administrasyon.
Nakompromiso ang career ni Madam dahil sa pera at pagiging gahaman ng kanyang mister at in-laws.
Ang bida sa ating kwento na pang-telenovela ang kwento ng buhay ay si Madam G…as in Ganda
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.