JM tuloy ang laban: May internal war pa rin, pero hindi ako susuko | Bandera

JM tuloy ang laban: May internal war pa rin, pero hindi ako susuko

Bandera - April 03, 2019 - 01:15 AM

JM DE GUZMAN AT ARCI MUÑOZ

HANGGANG ngayon ay patuloy ang pakikipaglaban ni JM de Guzman sa mga challenges na ibinibigay sa kanya pagkatapos ng mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang taon.

Sa nakaraang presscon ng latest movie niyang “Last Fool Show” opposite Arci Muñoz under Star Cinema, naikuwento ni JM ang kanyang pinagdaanan para lang maka-move on sa napakasakit na break-up.

“Lingid sa kaalaman ng lahat dumaan ako sa therapy. Sabi sa akin unconsciously I’m trying to sabotage myself,” ani JM nang mapag-usapan sa presscon ang tungkol sa mga ex.

Aniya, napakarami niyang natutunan after nilang maghiwalay ng taong tinutukoy niya na kahit hindi niya pinangalanan, very obvious na ito’y si Jessy Mendiola.

“Pangalawa, unconsciously it’s a cry for help. Yung nangyari sa akin both conscious. I was overwhelmed by emotions. Kasi nu’ng time na yun nagsabay-sabay eh (problema sa lovelife at career),” pahayag pa ni JM.

Until now ay may nararamdaman pa rin daw siyang sakit pero kailangan niyang labanan ito para na rin sa kanyang sarili at sa mga taong nagmamahal sa kanya.

“Ako I tried to, I tried my best not to show other people na may internal war pa rin ako pero di ako sumusuko,” sabi pa ng aktor.

Samantala, nakaka-relate raw sina JM at Arci sa mga ginampanan nilang role sa romantic comedy na “Last Fool Show” directed by Eduardo Roy, Jr, na tungkol sa ex-couple na muling magtatagpo bilang magkatrabaho sa isang company.

Dating magkaklase sa UP ang dalawa sa kursong Theater Arts, “Dati magkatrabaho kami as staff, kami yung mga inuutusan, nag-aayos kami ng props, costume sa play, ‘yun ang trabaho namin hindi pa kami aktor at artista,” kuwento ni JM.

“Yes, at na-witness niya ang pagbato sa akin ng script,” natatawa namang chika ni Arci.

“Marami talaga kaming natutunan sa teatro, 15 palang ako noon e, 16 naman si JM 2005,” sey ng aktres.

Dagdag pa niya, “Malaking bagay na magkaibigan kami noon, magkatrabaho kami ngayon. Very comfortable ako sa kanya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Last Fool Show” sa April 10 nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending