2 Pinoy sa Z-Pop bitbit ang bandera ng Pinas sa buong Asia
DALAWANG talented and young Pinoy performers ang nakapasok sa Z-Pop Dream Project na binubuo ng mga kabataang singer-dancer mula sa iba’t ibang panig ng Asia.
Sila ay sina Carlyn at Josh na bitbit ang bandera ng Pilipinas sa kanilang mga bonggang shows all over Asia. Si Carlyn ay bahagi ng Z-Girls habang member naman ng Z-Boys si Josh.
Ayon kay Zenith Media Contents (ZMC) CEO Kang Jun na siyang nasa likod ng Z-Pop Dream Project, “It aims to create and groom global music stars from multiple countries in Asia by using the strengths of the successful K-Pop star creation business. Z also stands for Generation Z, or those born in the mid-1990s to mid-2000s.”
Pormal na ipinakilala ang Z-Pop members sa entertainment press kamakailan na talagang hinasa sa pamamagitan ng sikat na K-Pop system.
Narito ang anim pang members ng Z-Girls: Bell (Thailand), Priyanka (India), Joanne (Taiwan), Queen (Vietnam), Vanya (Indonesia), at Mahiro (Japan). Ang iba mga miyembro ng Z-Boys ay sina Blink (Thailand), Sid (India), Perry (Taiwan), Roy (Vietnam), Mavin (Indonesia) at Gai (Japan).
The non-inclusion of a Korean artist is intentional, according to Kang Jun. With the goal of “One Asia,” they are going beyond K-Pop — the music genre, culture and industry — and finding the next generation of music idols from other parts of Asia.
“Korea is the center of K-Pop but Asia is the center of Z-Pop. Korea is also in Asia but we want to give more chance to artists from other countries,” sabi pa ni Kang Jun na nakipag-collaborate rin sa Viva Communications at Glimmer para mag-represent sa Z-Pop dito Pilipinas.
Kabilang din ang ZMC sa mga ahensiya na tumulong sa career ng BTS, EXO at ng Korean superstar na si Psy. Pahayag pa ni Kang Jun, “I belong to the first generation of K-Pop. Through the Z-Pop Dream Project, I want to give a chance to anybody who wants to be a star.”
The Z-Girls and Z-Boys were finally launched in Seoul at the Seoul Olympic Stadium with some of the biggest names in the K-Pop world like Rain, APink and Monsta X. They already debuted their first singles which are in English —
“No Limit” for the Z-Boys and “What You Waiting For” for the Z-Girls. In fairness, impressive rin ang kanilang music video, ha!
Para sa lahat ng fans ng Z-Pop maaari silang mapanood sa kanilang mga naka-line up na shows dito sa bansa, kabilang na riyan ang guesting nila sa “The CR3W” concert nina James Reid, Billy Crawford at Sam Concepcion sa April 5 sa Araneta Coliseum.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.