Kuya Escort umamin na sa relasyon nila ni Vice: Natatakot ako na matapos kung anong meron kami... | Bandera

Kuya Escort umamin na sa relasyon nila ni Vice: Natatakot ako na matapos kung anong meron kami…

Ervin Santiago - April 01, 2019 - 10:38 AM

ION PEREZ AT VICE GANDA

INAMIN ni Ion Perez o mas kilala sa tawag na Kuya Escort ng It’s Showtime na espesyal sa kanya si Vice Ganda.

Hindi man diretsong inamin ni Ion na may relasyon sila ng Unkabogable Star, sa maikling mensahe niya kagabi sa episode ng Gandang Gabi Vice pinatunayan ng binata kung gaano niya kamahal ang TV host-comedian.

Sinorpresa ni Ion si Vice sa birthday special nito sa GGV kasama ang isa pang malapit sa TV host na si Jackie o Ate Girl ng Showtime kung saan special guests sina Charo Santos at Bea Alonzo.

Kinuntsaba kasi nina Charo at Bea sina Ion at Jackie para gulatin si Vice bilang bahagi ng promo ng pelikulang “Eerie”.

Nagtagumpay naman sila na takutin si Vice dahil napatayo at napamura pa ito nang biglang sumulpot sa studio sina Kuya Escort at Ate Girl na naka-costume ng zombie nun.

Nang i-reveal na ni Ion ang kanyang sarili sigawan at palakpakan ang audience. Dito na tinanong ang binata kung ano ang kinatatakutan niya ngayon.

“Ako po, kinakatakutan ko na matapos kung anong meron kami,” ang sagot ni Ion habang nakatitig kay Vice. Tilian uli ang audience habang natigilan naman ang TV host.

Bumanat naman ang “Eerie” star na si Charo Santos ng tanong na, “Ano bang meron kayo?”

“Ano po, special po siya sa akin,” diretsong sagot ni Ion na sinundan uli ng sigawan mula sa studio audience.

Hirit naman ni Vice na halatang nagulat sa mga sinabi ni Ion, “Joke! Jino-joke lang namin kayo, hindi ‘yun totoo. Jino-joke lang namin kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending