Gov. Imee pinamamadali Department of OFWs | Bandera

Gov. Imee pinamamadali Department of OFWs

Liza Soriano - March 30, 2019 - 12:15 AM

NITO lang Pebrero, isang OFW na nakilalang si Jerwin Roj Royupa ang umalis ng kanilang lugar sa Pangasinan para raw magtrabaho sa isang farm sa Australia. Hirap na hirap ang kanyang pamilya na matunton siya dahil sinasabing kinumpiksa diumano ng kanyang employer ang kanyang passport.
At ngayong Marso, dapat ay uuwi na itong si Jerwin sa Pilipinas. Pero tumawag ang employer nito sa kanyang pamilya at sinabi na tumalon raw si Jerwin mula sa isang umaandar na sasakyan, na siyang ikinamatay nito.

Hindi na bago ang ganitong istorya ng ating OFW. Hindi siya ang kauna-unahang OFW na sumapit nang ganitong masaklap na karanasan. Mahabang panahon na nakakaranas ng ganitong mga uri ng problema ang marami sa ating mga OFWs.

Maituturing na modern day slavery ang nangyayaring ito sa
milyon-milyon nating mga OFWs sa kamay ng kanilang mga foreign employers. Nangyayari ang ganito dahil lang sa tindi nang pagnanais na makatulong sa pamilya.

Sa dami ng mga OFWS na nagtatrabaho sa abroad – 10 percent ng populasyon, at sa laki rin ng income na kanilang dinadala sa bansa, masasabi na malaki ang kontribusyon nila sa ating ekonomiya.

Pero bakit patuloy na nakararanas ng pang-aabuso ang ating mga OFWS?

Ayon kay Governor Imee Marcos, talagang napapanahon na para itayo ng pamahalaan ang isang departamento na siyang tututok lang sa mga OFWs, at tutulong sa kanila, lalo na sa mga distressed and troubled OFWs, na una na ring ipinangako ni Pangulong Duterte noon.

Dapat na maging consistent ang pagtulong sa itinuturing nating mga modern heroes.

Sabi nga ni Gov. Imee “kailangan consistent ang tulong…landing quality jobs for the Filipinos is the easy part, but when you’re there and you get in trouble, or you get sick, or you have to be repatriated, or you need legal services, that’s the blasted part.”

Hinggil naman sa isyu ng repatriation, tatlong tanggapan ang nag-aasikaso sa mga OFWs — Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers’ Welfare Administration at ang Department of Foreign Affairs, na ayon pa kay Gov. Imee, ay nagbibigay lang ng kalituhan imbes na mabilis na tulong para sa mga distressed OFWs.

Bukod dito, mara-ming OFWs ang nahihirapan sa pagsasaayos ng kanilang legal documents para makapagtrabho sa abroad.
Ayon sa Kongreso, ang isang OFW ay kailangan dumaan sa pitong ahensiya ng pamahalaan para lang sa mga dokumentong kakailanganin sa kanyang pag-aabroad.

Kung may Department of Overseas Filipino Workers, na gaya nang ninanais ni Gov. Imee, mapapabilis ang pagsasaayos ng mga papeles ng mga OFWs. Hindi na rin sila malilito kung sino o anong ahensiya ang hihingan nila ng tulong.

“Napakalaki ng utang na loob natin sa mga OFWs. Malaki ang naitulong nila sa ekonomiya dahil malaki ang pera na naipapasok nila sa kaban ng Pilipinas. Bilang ganti, obligasyon natin hindi lamang ang kapakanan ng mga manggagagawang Pilipino na nasa ibang bansa, pati rin ang mga naiwan na kamag-anak at kapamilya ng mga OFWs,” pahayag pa ng gobernadora.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending