Loisa Andalio nagsalita na matapos madawit sa ‘video scandal’
NAGPARAMDAM na ang Kapamilya young actress na si Loisa Andalio sa social media ilang araw matapos isangkot ang kanyang pangalan sa isang video scandal.
Mainit pa ring pinag-uusapan ang kumalat na video kung saan makikita ang isang babae na pinaglalaruan ang kanyang dibdib.
Kamukhang-kamukha ni Loisa ang babae sa video kaya marami ang naniniwala na siya nga ito pero ayon naman sa fans ng dalaga edited ito at may mga tao lang gustong wasakin ang career ng aktres.
Mula nang kumalat ang isyu, walang inilabas na official statement ang dating Pinoy Big Brother All In housemate at hindi rin siya nagparamdam sa kanyang followers sa IG at Twitter para depensahan ang kanyang sarili.
Kanina, usap-usapan sa social media ang latest post ng aktres sa kanyang Twitter account. Aniya, “Hindi mawawala ang masayahin, makulit at positibong Loisa.”
Ilang sandali lang mula nang mag-post ang girlfriend ni Ronnie Alonte sa Twitter, bumuhos agad ang simpatya at sandamakmak na positive comments para sa kanya. Umabot na sa mahigit 54K likes at 2K comments ang post ng young actress.
Bukod sa mga fans nila ni Ronnie, nagpaabot din ng suporta at pagmamahal ang ilang kaibigan ni Loisa sa showbiz tulad nina Maymay Entrata, Ria Atayde, Moira dela Torre, Fifth Solomon, Jane Oineza at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.