Keempee 2 taon inatake ng depresyon, naging bff ang alak | Bandera

Keempee 2 taon inatake ng depresyon, naging bff ang alak

Ervin Santiago - March 29, 2019 - 03:22 PM

ALAK ang naging “kaibigan” ni Keempee de Leon noong panahong inatake siya ng matinding depresyon.

Inamin ng aktor na totoong naging “alcoholic” siya ilang taon na ang nakararaan para makalimot kahit paano sa kanyang mga problema, “Pero hindi naman sobrang alcoholic. I got into a depression for two years.”

“Katulad ng ibang tao, alcohol. Iinom para lang makalimot. So dumating ako sa point na ganu’n,” pagpapatuloy pa ni Kimpoy sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

Pero nilinaw ng aktor na hindi naman siya umabot sa puntong kinailangan na niyang magpa-rehab o kumonsulta sa psychologist. Sarili na rin niyang desisyon ang tumigil na sa pag-inom.

“Alam ko po yung limitation ko. Tsaka dasal din. Merong message yung isang pastor na huwag nating sirain ang buhay natin. Kailangan enjoyin natin to.

“Kailangan sa magandang paraan. Oo, nga no. Bakit ko ba ginagawa ito na nagmumukmok ako? I have to move on,” aniya pa.

Single ngayon si Keempee at 10 years na raw siyang walang girlfriend, “Mas pinipili ko yung talagang seryosong relasyon na. Siguro marrying type. Going there as I age talaga.”

May 23 years old nang anak ang aktor, si Sam de Leon  na nasa States ngayon para sa kanyang OJT.

Samantala, naging emosyonal naman ang anak ni Joey de Leon nang magpasalamat sa ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya uli ng trabaho. Kasama siya sa bagong daytime series na Nang Ngumiti Ang Langit.

“I want to take this opportunity. Thank you po sa ABS. Boss Roxy Liquigan, Direk Ruel Bayani. Maraming maraming salamat po. Thank you Direk sobra. FM Reyes thank you very much. ABS-CBN salamat po sa pagtanggap po uli sa akin dito,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Kimpoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending