Maymay tuwang-tuwa nang malamang kasama pala siya sa KathDen movie | Bandera

Maymay tuwang-tuwa nang malamang kasama pala siya sa KathDen movie

Ervin Santiago - March 29, 2019 - 10:54 AM

MAYMAY ENTRATA

CONFIRMED! Makakasama nga si Maymay Entrata sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards under Star Cinema.

Ito ang ibinalita ng Kapamilya singer-actress sa madlang pipol sa isang video na ipinost ng Star Music executive na si Roxy Liquigan sa Facebook.

Ayon sa ka-loveteam ni Edward Barber, ngayon pa lang ay excited na siya sa mga gagawin niyang eksena kasama sina Kathryn at Alden.

Sa pagkakaalam niya ay two to three weeks silang magsu-shooting sa Hongkong para sa KathDen movie na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

“Sa movie po ni Miss Kathryn Bernardo at ni si Sir Alden! Whoooo! Makakasama po ako doon!” ang tuwang-tuwa kuwento ni Maymay sa nasabing video clip.

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

Nakatrabaho na ng PBB Lucky Season 7 big winner si Kathryn noon sa Kapamilya series na La Luna Sangre pero matindi pa rin ang excitement na nararamdaman niya ngayon sa gagawin nilang movie.

“Sobrang excited na ako dahil kakaiba yung story nila. Tapos, kakaiba yung support ko kay Miss Kathryn.

“Kahit nag-support na po ako talaga sa La Luna, pero nae-excite pa rin ako dito sa coming movie ni Miss Kathryn Bernardo,” kuwento pa ni Maymay.

“At saka si Direk Cathy, maraming salamat din po, Ma’am! Kung isa man po kayo sa sumang-ayon na maging parte ako ng cast ninyo, maraming salamat po! Talagang napakalaking oportunidad po ito. Thank you! Thank you po!” pahabol pa ng dalaga.

Nang may magkomento na mami-miss nila ni Edward ang isa’t isa dahil medyo matagal siyang mawawala para sa shooting ng KathDen movie, isang matamis at makahulugang ngiti lang ang isinagot ni Maymay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending