Nag-AWOL walang makukuhang benepisyo

By Liza Soriano March 29,2019
share this

Nag-AWOL walang makukuhang benepisyo

By Liza Soriano March 29,2019
share this

GOOD day!
Ma’am, ako po si Charmaine C. Lacandazo. Empleyado po ako for 10 years sa kompanyang HBC, INC. (HORTALEZA BEAUTY CENTER). Gusto ko lang pong ipaabot sa inyo ang aking issues/concern sa nasabing kompanya kaya napagdesisyonan ko na pong umalis at mag-resign.
Tanong ko lang po sana kasi sa resignation letter ko, na inindorso ko sa manager namin, inilagay ko po ang effectivity date of resignation po for one month mage-effect pero dahil restday pa po ako ay umuwi ako sa lugar namin.

Hindi ko na po natapos ‘yung may mga araw pa pong natitira, mahigit two weeks po na working days. At nang umabot na po ako sa effective date ng resignation ko po at hindi na po ako nakabalik, tinawagan po ako ng manager namin at sinabing wala raw po akong makukuhang kahit piso po sa tatanggapin kong benepisyo o claims sa kompanya dahil daw po ifa-file nyang Awol daw po ang status ko.
Sana po ay matulungan ninyo ako at mabigyan ng sagot at kaliwanagan tungkol po sa concern kong ito.
CHARMAINE C. LACANDAZO

REPLY: For immediate response, please call DOLE Hotline 1349.

Mayroon po kaming mga Hotline Service Action Officers na handang tumulong sa inyo, Monday to Sunday, bawat oras, bawat araw.

Tawag na po.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or [email protected] gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending