Bagitong aktor banong umarte, may padrino lang kaya nagkaserye | Bandera

Bagitong aktor banong umarte, may padrino lang kaya nagkaserye

Cristy Fermin - March 27, 2019 - 12:45 AM

LUKANG-LUKA ang isang female personality sa isang bagitong aktor na napapanood ngayon sa isang seryeng sinusuportahan ng ating mga kababayan.

Hindi regular na lumalabas ang female personality sa serye, tinatawagan lang siya ng produksiyon kapag kailangan siya, kung bakit naman natatapat pa na ang kanyang nakakaeksena ay ang bagitong male personality.

Kuwento ng aming source, “Inaabot sila nang siyam-siyam bago makuha nu’ng bagitong male personality ang hinihingi ng story. Talagang hilaw na hilaw pa siya sa acting, pero kung bakit meron na siyang mahalagang role sa serye.

“Sana man lang, e, hininog muna nila sa workshop ‘yung bagets, kasi nga, kapag mga datihan na ang kaeksena niya, e, para siyang nangangapa!

“Hindi na niya makuha ang mga dialogues, kapos na kapos pa siya sa acting, walang nailalabas, talagang banung-bano siyang umarte!

“Ang tawag nga sa kanya ng ibang nasa set, e, Christmas ham, as in, hamonadong aktor! Basa naman siya nang basa ng script niya, parang ini-internalize niya naman ‘yun, pero kapag take na, waley pa rin!

“E, si female personality pa naman na on call lang ang nakakaesena niya, kaya ayun, windang na windang siya dahil iilang eksena lang naman ang ginagawa nila, pero inaabot sila nang siyam-siyam!” simulang chika ng aming source.

May malakas daw kasing backer sa network ang bagitong male personality, ‘yun daw ang dahilan kung bakit kahit hilaw na hilaw pa ang kanyang pag-arte ay napasama na agad siya sa serye, pero ito naman mismo ang napapahiya.

“Ibalik muna nila sa pagwo-workshop ang bagets actor na ‘yun, nakakahiya siyang panoorin, sa totoo lang! Ikaw mismong nanonood ang nahihiya para sa kanya.

“Kapag okey na siyang isalang, e, du’n na lang siya bigyan ng magandang role, habaan man nila, e, okey lang, dahil kaya na niyang sumabay sa mga kaeksena niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Du’n sa eksenang kasama niya ang bida na acting na acting na, e, para siyang tulaley na ewan! Hindi niya alam ang gagawin, pati ang sasabihin niya, lamon na lamon siya sa eksena!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, paliguan n’yo nga ng halik ang lalaking ‘yan at baka sakaling matuto na siyang umarte!” inis na pagtatapos ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending