Marriage proposal ni Gerald kay Bea inaabangan na: Sana sila na forever
Inaantabayanan ng ibang showbiz kibitzers ang pagpo-propose kay Bea Alonzo ni Gerald Anderson.
Matagal na rin kasi ang kanilang relasyon at mukhang love naman talaga nila ang isa’t isa.
Ayon kay Bea, marami pa siyang kailangang gawin bago mag-settle down. Possible na ang dami-dami pang naka-line-up na projects for Bea. After ng kanyang first horror film titled “Eeerie” with Charo Santos na showing na ngayon, magsisimula na siya ng panibagong teleserye sa ABS-CBN pairing her again with Ian Venaracion plus Richard Gutierrez.
Huwag naman sana na ‘di sila ni Gerald ang magkatuluyan. Sayang naman ang papuri ni Bea kay Gerald sa social media as a “wonderful man,” “my true love” at kung anu-ano pang papuri.
May pa-“You are my great love story” pa si Bea sa kanyang birthday message for Gerald sa Instagram, huh!
Mabuti na lang at mga may asawa na ang nagiging leading men ni Bea sa pelikula at teleserye gaya nina Aga Muhlach, Ian and Richard. Kaya medyo kampante si Gerald na ma-link romantically ang aktres sa kanila.
Unlike si Gerald nu’ng gumawa ng movie with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na-link sila sa isa’t isa.
Kaya may kumalat na tsismis na nag-break sina Bea at Gerald.
Incidentally, magkasamang ini-launch si Bea at si Pia bilang si Pia Romero noon with Angeline Aguilar and Pauleen Luna ng ABS-CBN. Halos magkakahiwag silang apat kaya ‘di naman kataka-taka kung magka-crush din si Gerald kay Pia gaya kay Bea nu’ng ‘di pa artista ang dating PBB housemate.
Anyway, maganda naman ang dahilan ni Bea on why she’s not in a rush to walk down the aisle with Gerald. Magaganda kasi ang mga project na binibigay sa kanya lately gaya ng “Eeerie” na ang daming “firsts” sa kanyang movie career.
“Dream come true po na makasama sa frame si Ma’m Charo. Honestly, nu’ng umpisa kinakabahan ako, of course. Hindi ko alam kung paano, ano bang dapat ‘yung expectations ko. But nu’ng workshops, meeting, alam mo na hindi. Parang ibang ‘hat’ ang isinuot ni Ma’m Charo. She wasn’t the CEO, she wasn’t the president of ABS-CBN.
“She was an actress. And she was open to collaborating with you. So, ibang pakriamdam ‘yung parang nag-share siya at si Direk Mik (Mikhail) ng art nila sa akin. Kaya hindi ko makakalitimtan ang experience na ‘to. Isang milestone ‘to para sa akin,” lahad ni Bea.
Sabi naman ni Charo, 13 lang si Bea nu’ng ma-meet niya ang co-star sa “Eeerie.” From that time on talaga raw nasubaybayan niya ang karera ni Bea sa industriya at hinangaan siya ni Charo sa mga kabataang artista noong araw.
Very intelligent, intuitive and generous actress ang turing ni Charo kay Bea bilang aktres. Bea also works hard and a true professional.
“Kinikilig ako. Ha-hahaha! Gusto kong kumuha ng lahat ng copies ng interview namin. Sabi ko nga kanina may photoshoot kami, ipa-frame ko ng malaki ‘yung picture namin together. Sino ang makakapagsabi na nakatrabaho ang Asia’s Best Actress ‘di ba?” sabi pa ni Bea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.