Best actress award ni female star kinuwestiyon: Waley naman!
HOT topic ng ilang taga-print media, bloggers at online writers ang pagkapanalo ng best actress ng isang female star para sa huling pelikulang ginawa nito.
Komento ng ilang katoto hindi naman daw kagalingan ang acting ng aktres sa nasabing pelikula at wala naman daw itong bagong rebelasyon na ipinakita.
“Ano bang acting niya doon sa pelikula, waley naman. Mas napansin pa nga si ___ (nakilalang aktres dahil sa guwapong aktor) sa movie, dapat siya ang nanalo. Hindi kasi siya kilala pa ng iba kaya hindi siya ini-nominate,” esplika ng mataray na entertainment editor.
Sabi naman ng pa-sweet na blogger, “Baka naseksihan sa kanya (aktres) ang male judges?”
Sa isang award giving body na naglabas kamakailan ng kanilang nominees ay hindi napansin ang aktres.
“Asa ka pa, kung si ____ (sikat na aktres) nga na kasama sa movie na nag-akyat ng malaking pera sa ____ (movie outfit) hindi nominado, siya pa?” sweet pero pataray na sabi ng prangkang katoto.
Actually palaisipan nga rin sa amin kung paano nga ba nanalong best actress ang female celebrity. Ano nga kaya ang mga naging panuntunan ng nagbigay ng award?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.