UNTI-UNTI nang nakikilala ang obstacle course racing (OCR) sa mundo ng Philippine sports.
At nangunguna sa pagpapalaganap ng OCR sa bansa ang Allianz Philippines.
Sa Marso 31 ay itinakda ang Allianz OCR Sunday sa Filinvest, Alabang.
Ang Allianz OCR Sunday ay isang 2-in-1 event na tampok ang Conquer Challenge Philippines at Ninja OCR.
“As a company that uses sports to connect with communities and people, Allianz Philippines has chosen to be associated with OCR. We saw how the spirit of the sport is strongly aligned and consistent with our brand belief,” sabi ni Gae Martinez, chief marketing officer ng Allianz PNB Life.
“As in OCR and in life, there are complexities and obstacles that you need to overcome before you reach your destination. Both also follow a journey of trials, failures, and successes.”
Ang Conquer Challenge ay may 20 obstacle course at may distansyang 5 kilometro para sa elite at walong obstacle at distansiyang 1.5 kilometro para sa mga baguhan.
Ang Ninja OCR naman ay may maigsing distansiya at hindi na nangangailangan ng takbuhan. Ito ay may iba-ibang kategorya para sa individual (male at female), team, kids, at dogs. Ang distansya, difficulty at tipo ng obstacles ay naiiba sa bawat kategorya.
Ang Allianz OCR Sunday ay may basbas ng Pilipinas Obstacle Course Federation (POCF), ang national sports association ng naturang sport.
Ang top five finishers sa elite category ng Conquer Challenge at Ninja OCR ay mapapabilang sa national training pool ng POCF at may pagkakataong irepresenta ang bansa sa darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Martinez, mayroong limang Aeta na lalahok sa 5-km race. Ang mga ito ay sina Jacob King, 22; Miracle Lansang, 21; Danilo Yugyug, 20; Gelyann Soria, 17; at Ivy Pelayo, 16, na pawang taga-Villa Maria na isang “adopted community” ng Allianz sa Porac, Pampanga. Sila ang mga nangibabaw mula sa 25 Aeta sa sumali sa Conquer Challenge noong Disyembre 2018.
‘‘We are glad that OCR became an avenue for Allianz to bring to light social inclusion, which is one of most important challenges of our society today and an integral part of our corporate social responsibility,” dagdag pa ni Martinez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.