Kiray winasak ang 'sumpa' sa showbiz; bongga na ang career, may dyowa pa | Bandera

Kiray winasak ang ‘sumpa’ sa showbiz; bongga na ang career, may dyowa pa

Ervin Santiago - March 22, 2019 - 03:34 PM

KIRAY CELIS

PINATUNAYAN ni Kiray Celis na hindi totoo ang isa sa mga pinaniniwalaang “sumpa” sa showbiz.

Marami kasi ang naniniwala na kapag bongga ang career ng isang artista, asahan mo nang nganga siya sa lovelife. Pero mukhang hindi nga ito maaaring i-apply kay Kiray.

Alam n’yo ba na dalawang taon na pala sila ng kanyang non-showbiz boyfriend? Yes, ‘yan ang ibinandera ng komedyana sa kanyang mga fans and followers.

“We’re going two years and I’m very happy, kasama ko siya sa business namin sa Chicks and Fins. Siya ‘yung mas more on sa business kasi siyempre dito pa rin ako nag-stick sa kung saan ako nagtatrabaho.

“So, kapag wala akong trabaho dito tsaka lang ako pumupunta doon so siya ‘yung into business side and siya ‘yung nag-open sa akin sa world ng business. Kasi hindi talaga ako business-minded,” ang pahayag ni Kiray sa panayam ng GMA.

Nang tanungin kung ano ang pangalan ng kanyang dyowa, nakiusap ang dalaga na kung maaari ay huwag na siyang magbigay ng karagdahang detalye.

“He’s a private person na businessman, at kapag pumunta kayong Chicks and Fins at may nakita kayong matangkad, siya na ‘yon.

“Hindi naman kami nagtatago, everywhere kung saan namin balak pumunta pero ‘di ko lang din talaga siya pinapangalanan and hindi ko talaga siya masyadong pinapakita pero lumalabas kami kahit saan.

“Parang what you see is what you get, kung makita mo kami ng personal e, ‘di yon, ‘yun na siya,” chika pa ni Kiray.

Siyempre, umaasa ang Kapuso comedienne na sana’y pang-forever na sila ng kanyang boyfriend.

“Of course, I really hope and I really wish na talaga na siya na ang the one kasi first boyfriend ko s’ya and I can’t imagine na parang meron na naman akong bagong kikilalanin, bagong aalamin ng ugali, bagong ipapakilala sa mga tao,” pahayag pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa niya, “Parang ang hirap pa lang mag-start over again, parang ‘di ko ma-imagine ‘yung sarili ko na kung ano ‘yung mga ginagawa namin ngayon sa relationship namin, uulit-ulitin ko na naman from the scratch kung hindi man siya ‘yung tao para sa’kin, pero siya na talaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending