Kambal nina Zoren at Carmina ‘confused’, Mavy Legaspi napaiyak dahil sa basketball
INAMIN ni Zoren Legaspi na “confused” pa rin ang kambal nila ni Carmina Villaroel na sina Mavy at Cassy sa pagpasok nila sa showbiz.
Ayon kay Zoren, wala pa ring “final answer” ang kambal kung itutuloy pa rin nila ang pag-aartista.
“Actually, naka-hold pa rin sila kasi hindi rin naman namin pinu-push to the point na maging full blast na artista dahil hindi namin alam kung talagang gusto ba nila.
“Ang usapan with GMA, try-try lang, hayaan mo silang mag-enjoy muna. Hosting ganyan, yung Sarap Di Ba?” ang pahayag ni Zoren nang makachikahan ng entertainment press sa nakaraang mediacon ng bago niyang serye sa GMA, ang Sahaya. Bukod sa arap Di Ba?, napapanood din ang Legaspi twins sa Sunday musical-variety show na Studio 7.
So, ibig sabihin hindi pa sure kung magteteleserye na rin ang kambal? “Iyon ang magiging problema.
Kasi, pag binigyan namin ng go-signal ang GMA-7, na okay, open na sila for teleserye, definitely bibigyan kaagad ‘yan,” sagot ni Zoren. “Hindi ko alam kung gusto ba talaga nila,” dugtong pa niya.
“Ano, confused sila! Confused. Kasi ako nga lang ang nag-push sa kanila na, ‘Hindi, pipirma na kayo sa GMA.’ Hindi ko na inalam yung ano, basta pinush ko na sila dahil ayaw nilang mag-decide.”
Tinanong din si Zoren kung ano ba talaga ang gusto niya para sa mga anak, “Gusto ko malaman kung ano ang gusto nila! Kaya ako naiinis. Kasi kunyari, meron akong mga project for myself, na pelikula, minsan iniisip ko yung anak ko, ‘Bigay ko na lang sa anak ko yung project, ako na lang magdidirek.’
“So, hindi rin ako maka-move on. Pag tinanong ko naman si Maverick, ‘Gusto mo ba?’ ganyan-ganyan, ‘Ah, it’s okay dad, ikaw na lang muna.’ Ganu’n ang sagot,” aniya pa.
Napi-feel naman daw ng aktor na love rin ng kambal ang showbiz, “Ang problema, masyadong in love sa mga kaibigan nila, sa school. Iyon ang naiisip ko. Actually, nahirapan si Maverick nu’ng pumirma sa GMA, kasi igi-give up niya yung varsity. Basketball team niya iyon, e.
“I mean, nasaktan siya, umiyak siya dahil last year na niya, gusto niyang maglaro. Buti naman, napagsabay niya. Buti naman, hindi siya na-kick out ng team. Si Cassy, alam ko, gusto niya. Ang problema, mahiyain. Pero ano pa, konting panahon pa,” chika pa ng tatay ng kambal.
Samantala, abangan daw ng manonood ang role ni Zoren sa GMA Telebabad series na Sahaya dahil kakaibang challenge na naman ang haharapin niya rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.