Sunshine Dizon, Tomothy Tan inireklamo kay Tulfo ng dating kasambahay | Bandera

Sunshine Dizon, Tomothy Tan inireklamo kay Tulfo ng dating kasambahay

Ervin Santiago - March 20, 2019 - 05:46 PM

AYAW na sanang magsalita ni Sunshine Dizon tungkol sa mga reklamo ng dating yaya ng kanyang mga anak pero sumosobra na raw ang mga bashers na nagko-comment sa kanyang Instagram.

Nauna nang umalma ang estranged husband ni Sunshine na si Timothy Tan sa mga akusasyon ni Anabel Agullo na dumulog pa sa radio show ni Raffy Tulfo para humingi ng saklolo.

Ayon sa dating yaya ng mga anak ni Sunshine, basta na lang siyang tinanggal sa trabaho at pinagbawalan pang kunin ang mga naiwan niyang gamit sa bahay ng aktres.

Kuwento nito kay Tulfo, nag-day off daw siya noong March 2, pero hindi na siya nakabalik kinabukasan dahil daw nagkasakit siya at aminado naman siyang nagkamali siya roon. Hindi raw siya nagpaalam sa kanyang mga amo na hindi siya makakapasok at hindi rin niya nasagot ang mga tawag ni Timothy noong March 4, Lunes.
Dinenay din niya ang bintang ni Timothy na tinangay niya ang cellphone (iPhone 5) na ipinahiram sa kanya para magamit niya during emergency. Aniya, nasa bag daw kasi ang cellphone kaya hindi na niya ito na-check.

Sabi naman sa kanya ni Tulfo natural lang na magalit sa kanya sina Sunshine dahil hindi niya nagampanan ang kanyang trabaho.

Pumayag naman si Timothy na makipag-usap kay Tulfo on air para maliwanagan ang mga reklamo ni Anabel.

Una niyang dinenay na ayaw nilang ibalik ang mga naiwang gamit ng yaya, “Hindi ko hinold ang gamit niyan. Actually, the other day, yung barangay tumawag sa akin. Ang sabi ko, bayaran niya yung utang niya. I-turnover ko sa barangay lahat para may proper documentation also.”

Tungkol naman sa utang ni Anabel, may balanse pa raw itong P3,300 mula sa inutang na P12,000, pero ayon kay Anabel, P2,000 na lang ang utang niya.

Dito na nag-suggest si Tulfo na magharap na lang sila sa barangay para ma-settle na ang utang ng yaya na sinang-ayunan naman ni Timothy.

Pero nang mawala na sa ere si Timothy ay saka ibinunyag ng yaya ang iba pa niyang hinaing sa mag-asawa. Pinipilit daw siyang pumirma sa isang kontrata.

Dito ipinakita niya ang papel kung saan nakasulat na nabayaran na ni Timothy ang kanyang Social Security System (SSS) at PhilHealth contribution, “Hindi naman po totoo na ibinayad niya ako sa PhilHealth at SSS. Nakikiusap nga ako sa kanya diyan.”

Muling kinontak ng programa si Timothy, pahayag nito, “Last year, Sir, pinapaayos ko sa kanya ‘yan dahil gusto niya magkaroon siya ng SSS at PhilHealth, in which karapatan niya yun under the law.

“So ngayon, sabi ko, lakarin niya, kasi siya ang may alam kung saan niya gusto lakarin. Actually, nag-o-off ‘yan ilang araw.

“’Tapos pati participation, itinawag ko sa accountant ko kung paano ang sharing. Ibinigay ko sa kanya yung pera nun.”

“Basta ako’y nagbigay ng pera voluntarily sa kanya. Hindi naman recorded din on my half, it’s okay.”

Inirekamo rin ni Anabel na hindi man lang daw siya ipinagamot ni Timothy noong nalaman niyang may bukol siya sa dibdib na malapit sa braso. Pero sabi ng estrage husband ni Sunshine, sinabihan niya ang yaya na irerekomenda niya ito sa isang surgeon para ma-check ang kanyang kundisyon.

Pero ang sagot sa kanya ni Anabel, mas gusto niyang magpa-check sa ospital na malapit sa lugar na kanilang tinitirhan. Hanggang sa aminin niyang walang nakapang bukol sa kanyang dibdib, pero ayon sa doktor kailangan niyang magpahinga ng one week dahil meron siyang “muscle spasm.”

Aniya, nakuha niya ito sa pagbubuhat ng mabibigat na mineral water sa bahay nina Sunshine at Timothy.

Patuloy na depensa ni Timothy, “Sa akin, Sir, hindi ako madamot pagdating sa ganyang bagay lalo na’t alam natin na para sa kalusugan at tagapag-alaga ng mga anak ko iyan.”

Sa huli, isa sa mga solusyon na iminungkahi ni Tulfo ay bayaran na lang ni Timothy ang share nito bilang employer sa SSS at PhilHealth ni Anabel na sinang-ayunan naman nito. Sinagot naman ni Tulfo ang P3,300 na utang nito kay Timothy.

Narito naman ang naging pahayag ni Sunshine tungkol sa isyu, “That is being settled already. Ang pagkakamali namin ay umasa kami na maayos ang usapan namin na quarterly babayaran namin sa kanya yung SSS na dapat kami na gumawa, we wanted for her to file as an individual para nga sana malaki makuha nya benefits.

“There is always two sides in the story but i rather not explain anymore because hahaba lang ang storya at mahinirapan na din sya maka kuha ng trabaho pag nagsalita ako at lahat ng kasama nya dito.

“Besides people will believe what ever they want to believe.

“Kayo nga di nyo alam ang buong storya naka pag come up na kayo ng opinion nyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And useless to argue with people who are manipulative and vindictive they will always find a way to twist your words to get what they want.

“I just wish her well at makakita sya ng maayos na mapasukan. Tamihik at mapayapa na din kami na wala na po sya dito sa amin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending