Horoscope, March 20, 2019 | Bandera

Horoscope, March 20, 2019

Madam Sophia |March 20,2019
facebook
share this

Horoscope, March 20, 2019

Madam Sophia - March 20, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ang mahinang pagkatao ay lalakas at magtatamo ka ng maraming suwerte kung laging makikisama sa mga may birth date na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18, at 27. Sa pakikisalamuha sa kanila, bukod sa suwerte, habambuhay kang magiging maligaya. Mapalad ang 9, 11, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om.” Beige at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi dapat tanggihan ang isang imbitasyon sa pag-aabroad. Pagkakataon mo na upang umunlad. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang mga negatibong inuugali ng kasuyo, magbabago rin siya pagsapit ng Abril, kapos lang kasi kayong pera sa ngayon. Mapalad ang 3, 27, 30, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kesar-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Hindi dapat madaliin ang pagyaman. Sa inot-inot na pagsisinop, uunlad din ang kabuhayan. Sa pag-ibig, hintaying kalabitin ka ng iyong minamahal, iwasang ikaw na lang lagi ang nangangalabit. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Pink at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Higit kang uunlad at kikita ng maraming pera kung mapapanatili mo ang iyong pagiging unique. Kailangang maging iba ka sa lahat. Sa pag-ibig, tuloy ang pabago-bagong relasyon, ngunit sa isang Libra matatagpuan ang tunay na ligaya. Mapalad ang 5, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Tubig ang mahiwaga mong elemento. Moon naman ang suwerte mong planeta. Sa pagpasok ng Semana Santa habang bumibilog ang buwan sa langit ay tuloy-tuloy nang darating ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, may kakaibang init ng romansang mararanasan. Mapalad ang 2, 11, 23, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Mababawasan ang stress at ang init ng ulo kung yayain ang kasuyo na mag-swimming. Panahon na upang mag-unwind upang ma-refresh ang kapalaran. Kapag na-refresh na ang pakiramdam, sunod-sunod na ring darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhi-Om.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Lalong uunlad at darami ang pera kung aalis ka muna sa iyong private zone. Sa pakikipagsapalaran, mas malaking tagumpay ang makakamit. Sa pag-ibig, wag mahiyang sumama sa kasuyo kung saan man nya nais pumunta. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Wag masyadong matakaw upang hindi ka tumaba. Panahon na upang isagawa ang “fasting and abstinence.” Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyong bigla na lamang nabuo kung saan. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag gamitan ng panlalamang ang pakikisalamuha sa kapwa, sa halip, sa mabuting asal mas uunlad at papalarin ka. Tandaan mong lagi ang iyong dalawang layunin: “Maligayang relasyon at ang pagpapayaman.” Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Om.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Iwasan ang mga taong punggok na matataba na sakang lumakad, ipapahamak ka lang nila. Sa pinansyal, umpisahan na ang negosyong may kaugnayan sa tag-araw, magtinda ng halo-halo at ice cream. Mapalad ang 3, 9, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Pink at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag magpaapekto sa nangyayaring hindi maganda sa iyong kapaligiran. Ituloy mo lang nang ituloy ang iyong layunin. Sa pinansyal wag nang mag-aya ng iba pang sasama sa binabalak na outing, mas kokonti lang kayo ay mas maganda at mas matipid. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Black at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Magnilay-nilay ka ngayon! Hanggang kailan mo ba lolokohin ang iyong sarili? Dispatsahin na ang kasuyong walang kuwenta. Sa pinansyal, unti-unti mong mare-realize na wala rin palang kabuluhan ang pera kung wala sa iyong nagmamahal. Mapalad ang 4, 8, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Anomang hamon ang dumating, makakasilip ka ng malikhaing solusyon sa iyong problema. At ang mga problemang dumarating ay maiko-convert mo upang pagkaperhan. Sa pag-ibig, kung sino man ang magyayamang mag-outing o mag-swimming, sumama ka upang marelaks-relaks naman ang iyong pakiramdam. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending