Kilalang female celeb binalikan ng karma...sunud-sunod ang nararanasang kamalasan | Bandera

Kilalang female celeb binalikan ng karma…sunud-sunod ang nararanasang kamalasan

Cristy Fermin |March 20,2019
facebook
share this

Kilalang female celeb binalikan ng karma…sunud-sunod ang nararanasang kamalasan

Cristy Fermin - March 20, 2019 - 12:15 AM


DAPAT sana’y palihim na natutuwa ang isang non-showbiz personality sa mga nagaganap ngayon sa buhay ng isang pamosong babaeng personalidad, pero sa halip, awa ang nararamdaman nito.

Tandang-tanda pa ng babae ang masasakit na salitang ipinakain sa kanya nu’n ng popular na female personality, nakararating yun sa kanya sa pamamagitan ng kanilang common friends, iniiyakan lang ‘yun ng girl.

Pero nabaligtad na nga ang ikot ng mundo, ang babaeng ganu’n na lang kung makapamintas sa kanya ang nasa ibaba ngayon, pinagtampuhan ng kapalaran ang pamosong female personality.

Kuwento ng aming source, “Pero alam n’yo, instead na matuwa ang girl dahil sa mga nangyayari sa female personality, e, naaawa pa nga siya. Kasi, talagang parang wala nang natitira du’n sa female personality ngayon.

“Ginawa na niya ang lahat-lahat para makabalik siya sa mainstream, ang dami-dami na niyang nilapitan para tulayan siya para magkatrabaho, pero walang tumanggap sa kanya.

“Pati ang personal life niya, nawindang din, ang dami-dami niyang kalaban ngayon dahil sa mga pinaggagagawa niyang action na parang hindi niya naman pinag-iisipan.

“Sabi nga ng mga friends niya, e, nakaganti na raw siya sa pangmamaliit nu’n sa kanya ng girl, pero sabi niya, hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon sa buhay ng female personality.

“Naaalala kasi ng mga friends ng girl ang sinabi nu’n ng female personality na wala siyang nasasagasaan sa pakikipagrelasyon sa isang male personality dahil hindi na naman inuuwian ng guy ang mommy ng mga anak nila.

“‘Yun ang akala niya! Kaya nu’ng mag-abroad ang guy kasama ang mag-iina niya, e, galit na galit ang female personality! Nakakaloka nga naman na kuda siya nang kuda na hindi na inuuwian nu’ng guy ang girl, pero magkakasama pa pala sila sa ibang bansa!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pagpahingahin n’yo na kasi sa harapan ng mga gadgets niya ang female personality na ‘yan!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending