Bea: Kinuwestyon ko ang sarili ko kung maganda ba ako o hindi
GUSTONG gawing advocacy ni Bea Alonzo ang anti-body shaming at ma-inspire ang mga kababaihan na mahalin ang sarili sa kabila ng kanilang kakulangan o imperfections.
Gumawa ng ingay si Bea sa social media nang kumalat ang kanyang bikini photo sa Instagram kung saan pinuri ng netizens ang kanyang kaseksihan. Sey ng aktres, nais niya lang ibandera sa buong universe ang naging journey niya sa pagiging fit and healthy.
“Nakakatuwa na ‘yung mga reactions ay positibo. Hindi siya tungkol sa pagpapakita ng skin eh. It’s about being comfortable in your own body and your own skin. I also promote ‘yun nga body positivity and to do it right,” pahayag ni Bea sa isang panayam.
Dugtong pa niya, “Kasi I was tagged as fat, nag-suffer ako don, malaki ang binago nu’n sa personalidad ko. Kinuwestyon ko ang sarili ko kung maganda ba ako o hindi.
“So ngayon it’s time to give back. Ngayon it’s time to know better. Gusto kong maging ehemplo sa mga kabataan who are going through the same thing,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.