BDO walang ATM withdrawal, iba pang serbisyo sa Marso 23-24

By Leifbilly Begas March 15,2019
share this

BDO walang ATM withdrawal, iba pang serbisyo sa Marso 23-24

By Leifbilly Begas March 15,2019
share this

MAGSASAGAWA ng system upgrade ang BDO-Unibank Inc., kaya pansamantalang mawawalan ang electronic banking services nito.

 Sa ipinadalang advisory ng BDO, sinabi nito na layunin ng upgrade na lalo pang pagandahin ang electronic banking at ATM experience ng kanilang mga kliyente.

Pansamantalang hindi magagamit mula alas 10 ng gabi ng Marso 23 (Sabado) hanggang alas 12 ng tanghali kinabukasan (Marso 24) ang Online and Mobile Banking, Debit and Cash Card transactions at Automated Teller Machines.

Pinayuhan ni i Edwin Reyes, executive vice president at head ng transaction banking group ng BDO, ang kanilang mga kliyente at ang publiko na planuhin at gawin ng mas maaga ang kanilang mga electronic banking transactions upang makaiwas sa anumang inconvenience na maaaring idulot ng upgrade activity.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending