Gelli pumayag maka-loveteam si Bayani; game sa malalaswang dialogue | Bandera

Gelli pumayag maka-loveteam si Bayani; game sa malalaswang dialogue

Dominic Rea - March 14, 2019 - 06:46 PM

AFTER how many years, napanatili pa rin ni Gelli de Belen ang kanyang freshness at kaseksihan. Siguradong ang isa sa mga rason diyan ay ang pagiging maalaga ng kanyang mister na si Ariel Rivera.

Ilang dekada nang nagsasama bilang mag-asawa sina Ariel at Gelli pero never kaming nakarinig ng chika na nag-away o nagkatampuhan sila.

Ang natatandaan lang naming naging kontrobersiya sa kanilang relasyon ay nang ma-link ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kay Ariel. Pero lumang isyu na nga ito at magkakaibigan na rin silang tatlo.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Gelli na “Pansamantagal” kung saan makakatambal niya si Bayani Agbayani, binati ng entertainment media ang seksi pa ring katawan ni Gelli at ang kakaibang glow sa aura nito.

Kahit sa trailer ng “Pansamantagal” ay kitang-kita ang kakaibang ganda ng aktres, sabi nga ng nasa presscon ng movie, parang may fountain of youth ang misis ni Gelli. Kung ikukumpara nga raw sa ma kasabayan niya sa showbiz ay di hamak na mas sariwa at mas seksi pa rin siya sa mga ito.

Isa rin sa mga naitanong sa aktres ay kung bakit pumayag siyang maging leading lady ni Bayani Agbayani sa

“Pansamantagal” na idinirek ni Joven Tan at ipalalabas na ngayong March 20 in cinemas nationwide.

“Nagustuhan ko talaga ang script ng movie when it was offered to me. Tinanggap ko siya because gusto ko,” aniya.

Bakit siya napapayag na sabihin on screen ang mga malalaswang linya sa movie tulad ng ilang beses na pagkakabanggit niya sa ari ng lalaki.

“I think, hindi namin siya ibinato o ginawa o sinabi sa movie para lang may an, may dahilan kung bakit namin nasabi ang mga salitang iyon and I think maiintindihan naman ito ng mga anak ko dahil malalaki na naman sila and alam ng asawa ko dahil siyempre ipinagpaalam ko rin naman sa kanya na gagawin ko ito,” lahad niya sa amin.

Ayon naman kay Direk Joven Tan, kakaiba raw ang pelikulang ito, dahil bukod sa tema ng kuwento, matatapang din ang linyahan ng mga bida. Ayon kay Direk, huwag na huwag daw kayong kukurap habang pinanonood ang movie dahil may makikita raw tayong BIG sa screen! Ano nga kaya ang big na ‘yun?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Pansamantagal” ay mula sa Horseshoe Studios and distributed by Reality Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending