Kuya Escort bagong dyowa ni Vice Ganda, umamin na sa taping ng GGV?

By Ervin Santiago March 13,2019
share this

Kuya Escort bagong dyowa ni Vice Ganda, umamin na sa taping ng GGV?

By Ervin Santiago March 13,2019
share this

TRUTH or charot!? Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang pag-amin umano nina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez tungkol sa tunay nilang relasyon.

Naganap daw ang pag-amin ng dalawa sa taping ng Gandang Gabi Vice recently kung saan special guest ni Vice sina Charo Santos at Bea Alonzo para sa promo ng horror movie na “Eerie”.

Kalat na kalat na ngayon sa social media ang mga litrato nina Ion at Vice na magkayakap habang nasa tabi nila sina Charo at Bea. May isang photo naman na tila pinakakalma at pinatatahan nina Charo at Bea ang rumored couple.

Ayon sa ilang netizens na nag-post ng mga litrato na kuha sa taping ng GGV, umamin na raw si Ion sa totoong relasyon nila ni Vice. Aniya, nahihirapan na raw kasi siyang magtago kapag tinatanong siya kung ano ba talaga ang real score sa kanila ng TV host-comedian.

Matagal nang natsitsismis na may relasyon sina Ion at Vice pero palagi naman nilang idinadaan sa biro ang kanilang mga sagot kapag inuusisa sa tunay nilang relasyon. Nagsimula raw ma-develop ang dalawa nang tuksuhin sila ng mga kasamahan nila sa It’s Showtime.

Bago maging bahagi ng Kapamilya noontime show, rumaraket si Ion bilang model. Nagwagi rin siya bilang Mr. Universe Tourism noong June, 2018.

Marami naman ang nag-congratulate sa dalawa at nagsabing ipagdarasal nila ang kaligayahan ni Vice. Isa lamang daw itong patunay na totoong #LoveWins.

Comment ni @kvnjhnb na isa sa mga nag-post ng picture nina Ion at Vice sa taping, “Love wins! Vice Ganda at Ion Perez, umamin na sa tunay nilang relasyon?! Abangan ang exclusive revelation nila together sa GGV.”

Hirit naman ni @papiiijave, “Vice Ganda and Ion Perez are now officially announced in a relationship.”

“ION PEREZ & VICE GANDA UMAMIN NA! ABANGAN NALANG PO NATIN SA GGV!” sey ni Ito naman ang ipinost ni @chylliangbae, “Kung totoo man po ‘to, sa wakas may tao naring hindi natakot umamin at handang ipaglaban ang pag ibig nya kay momshie Vice #NoHateLoveWins!”

Ilang litrato rin na kuha sa taping ng GGV ang ipinost ni JS Espejon Sanchez sa Facebook na may mensaheng, “During sa taping for this sunday sa GGV Vice Ganda & Ion Perez Reveal Their True Relationship And They Are OFFICIAL COUPLE. Congrats Miemie Vice You Derserve To Be Happy Sana All I Love You Ion For Being Brave.

“OMG!!! inamin ang tunay nilang relasyon?! Abangan ang exclusive revelation nila sa GGV Soon!” dugtong pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending