Madakdak na male singer pwedeng maging showbiz reporter: Hanep mag-blind item
PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ang isang young male singer na puwedeng-puwedeng maging reporter kapag nalaonjamey (read: nalaos) na ang kanyang singing career dahil sa mga ginagawa niyang kabalbalan sa buhay.
Ang galing-galing kasing mag-blind item ng young male singer, ang husay-husay niyang magbuo ng mga detalye, talagang puwede siyang maging kolumnista kapag wala na raw bumibili ng kanyang mga plaka.
Humahalakhak na kuwento ng isang source, “Alam n’yo, mas magiging successful siya bilang isang manunulat. I-sideline niya na lang ang pagkanta, kasi, lumulutang na ang husay niya sa pagsusulat, ha?
“Sumusulat siya ng mga kanta, pero mas magaling siyang writer, kasi, nakapagsusulat siya ng mga blind items nang suwabeng-suwabe lang siya.
“Imagine, kayang-kaya niyang birahin ang kalaban niya sa pamamagitan ng blind item? Ang galing-galing kaya niya!” humahalakhak pa ring sabi ng aming source.
Matindi ang galit ng young male singer na ito sa kanyang kasabayang young male singer din. Nagkaroon sila ng gap nu’n, pero ang may kabastusang young male singer ang nagsimula, edukado ang kanyang pinasaringang becki kuno.
Patuloy ng aming source, “Naku, totoo ang blind item niya na one day, lalabas din ang tunay na baho at amoy ng pinatatamaan niya! Manalamin siya, makikita niya sa salamin ang tinutukoy niya!
“Bakit, ugali ba ng isang tunay na lalaki ang magpatutsada nang magpatutsada sa kinakalaban niya? Di ba, ang tunay na lalaki, e, hindi naman ganyan sa mga pinaggagagawa niya? Kaya isang araw talaga, e, magugulantang na lang tayo, reporter na pala ang may malabigang bibig na young male singer na ‘yun!
“Makakalaban na niya ang mga reporters na kung pagsalitaan niya ngayon, e, paganu’n na lang! Magiging manunulat na rin siya, hindi na mga kanta ang susulatin niya, mga blind items na!
“Anong suntok sa buwan ang magiging kapalaran niya bilang reporter? Hindi, ‘no! Ang galing-galing niyang mag-post ng mga blind items niya, panalung-panalo na siya du’n pa lang!
“Di ba naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan dahil kilalang-kilala n’yo na kung sino ang maangas na young male singer na ito!” pagtatapos ng aming impormante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.