Heart hindi raw nagparetoke, pero umaming naka-high heels kahit nasa bahay lang
AMINADO ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista na talagang maarte siya sa tunay na buhay.
Bukod sa pagiging aktres, adik din daw siya sa fashion accessories at mga damit. Inamin din niya na kahit nasa bahay lang siya ay nagsusuot siya ng high heels.
Sa kanyang latest vlog episode sa YouTube titled “Reacting to Your Assumptions About Me”, sinagot ni Heart ang mga tanong ng kanyang fans and social media followers, mula sa tsismis na nagparetoke siya hanggang sa pagkaadik niya sa fashion world.
Unang nilinaw ni Heart ang chika na may pinagawa siya sa kanyang mukha, sumailalim daw siya sa eyelid surgery.
“When I’m older I would definitely see what I can do, nothing extreme but to maintain, but I did not get eyelid surgery. I think it also comes with aging.
“I really didn’t do anything to my face. Wala, I didn’t talaga. Wala na akong magagawa,” pahayag ng Kapuso TV host-actress kasabay ng pag-amin na may mga pagkakataon na inaatake rin siya ng insecurity about her face and body.
Pero agad namang sinabi ni Heart na hindi siya against sa plastic surgery, “I have nothing against people that get plastic surgery. In fact, if it helps you, it makes you feel good about yourself, I’m for it. You just need to know when to stop.”
Isa pa sa sinagot ni Heart sa kanyang latest vlog ay ang kanyang pagiging fashion icon. Alam n’yo ba na hindi lumalabas ng house ang misis ni Sen. Chiz Escudero ng walang accessories? At talagang nagha-high heels siya kahit nasa bahay lang.
“It’s an extension of my body. I’m maarte you know, but it’s fine.
“I just feel good. You know what? At the end of the day, you only live once. Kung ano man yung trip niyo, yun yung gawin niyo. Kung ano man yung feel niyong ikagaganda niyo, do it,” payo pa niya sa kanyang followers at YouTube subscribers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.