Paolo nakipagbalikan sa dyowang nurse, pero binalaan ng netizens | Bandera

Paolo nakipagbalikan sa dyowang nurse, pero binalaan ng netizens

Ervin Santiago |March 12,2019
facebook
share this

Paolo nakipagbalikan sa dyowang nurse, pero binalaan ng netizens

Ervin Santiago - March 12, 2019 - 02:35 PM

MUKHANG happy and colorful na uli ang lovelife ng Make-Up Transformation King at Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros.

Marami ang naniniwala na nagkabalikan na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Kenneth Gabriel Concepcion base na rin sa litratong ipinost ng huli sa kanyang social media account.

Kinikig ang mga fans ang supporters ni Paolo nang mag-post si Kenneth sa Instagram at Facebook ng litrato nilang dalawa. Ang caption lang ni Kenneth sa photo ay, “Kagat labi.”

Ni-like naman ito ng TV host-comedian kasabay ng sandamakmak na comments mula sa followers ni Kenneth na isang nurse. In fairness, halos lahat ay masaya para kay Paolo pero meron ding nagsabi na huwag na siyang makipagbalikan dahil lolokohin lang daw siya ng binata.

Last month kumalat ang balita na naghiwalay na ang dalawa dahil hindi na sila nakitang magkasama at hindi na rin sila nagpo-post ng kanilang mga picture together.

At nu’ng mismong Valentine’s day kinumpirma ni Paolo na break na sila ni Kenneth pero aniya umaasa pa rin siyang magkakabalikan sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending