Archbishop Villegas, 3 pang pari nakatanggap ng death threats | Bandera

Archbishop Villegas, 3 pang pari nakatanggap ng death threats

|March 11,2019
facebook
share this

Archbishop Villegas, 3 pang pari nakatanggap ng death threats

- March 11, 2019 - 07:23 PM

NAKATANGGAP na rin ng death threat si Lingayen-Dagupan Socrates Villegas at tatlong iba pang pari.

Ito’y matapos namang nauna nang napaulat ang banta sa buhay ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Sa isang press conference, kinumpirma ng mga paring sina Fathers Flavie Villanueva, Robert Reyes, at Albert Alejo ang banta sa kanilang buhay.

“Aaminin ko po na lumabas po kami dahil may takot din kami,” sabi ni Alejo. “Nananawagan kami sa mga utak, sa mga ulo, sa mga pasimuno ng pagpatay, itigil na po natin ’yan. Itigil na ninyo ang mga nakawilihan ninyong negosyo,” dagdag ni Alejo sa isang press conference sa St. Vincent School of Theology sa Tandang Sora Avenue, Quezon City.

Ipinakita ni Alejo ang bahagi ng mensahe ng banta sa kanila nina David at Villegas.

Inilabas din ni Villanueva ang CCTV footage kung saan makikitang pabalik-balik sa kanyang opisina sa Santa Cruz, Maynila ang mga nakamaskarang lalaki.

“Hindi pananahimik, kundi ang malinaw, mahinahon, at matapang na pamamahayag at paninindigan. Itigil na ang pananakot. Itigil na ang pagpatay,” ayon pa kay Alejo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending