Maangas na young singer wasak na wasak; nakarma sa pambabastos kay male celeb | Bandera

Maangas na young singer wasak na wasak; nakarma sa pambabastos kay male celeb

Cristy Fermin |March 11,2019
facebook
share this

Maangas na young singer wasak na wasak; nakarma sa pambabastos kay male celeb

Cristy Fermin - March 11, 2019 - 12:15 AM


WALANG ibang reaksiyon ang isang young male singer kundi ang mapa-ngiti lang nang malaman niya ang kuwento tungkol sa pagkakalat sa publiko ng kanyang nakabanggaang male singer.

Wala siyang naging komento sa nagtanong na reporter, napangiti lang siya, pero punumpuno ng mensahe ang ngiting ‘yun ng young male singer.

Kuwento ng aming source, “Alam na! Hindi man siya nagsabi ng kahit ano, e, parang sinabi na rin niya na ganu’n talaga kabastos ang nakaaway niyang young male singer din!

“Wala man siyang si-nabi, e, ‘yun na ‘yun! Kailangan pa nga ba naman niyang magsabi ng kahit ano, samantalang ipinagbanduhan naman sa publiko ng nakaaway niya ang tunay na ugali?

“Natural, feeling ng young male singer, e, nakaganti na rin siya sa pambabastos ng lalaking ‘yun sa kanya, parang karma ang nangyari sa young male singer, dahil mga netizens ang umuupak sa kanya ngayon,” umpisang kuwento ng aming chikadorang impormante.

Pangalan niya ang naging dahilan ng pagkakalat ng kalaban niyang singer, ayaw na ayaw pala nitong naririnig ang kanyang pangalan, tinanong siya ng mga press people kung ano ang ganting komento niya tungkol du’n.

“Hindi rin siya nag-comment, basta wala siyang sinasabi, nakangiti lang siya sa mga reporters. Matalino siya, well advised, siguradong may mga nagbilin sa kanya na kung hihingan siya ng comment tungkol sa inasal ng kalaban niya, e, huwag na huwag siyang magsasalita.

“Ganu’n nga naman ang tunay na lalaki, hindi makuda, hindi daldal nang daldal. Nakapuntos siya du’n! Sinaktan siya ng kalaban niyang young singer, pero taumbayan naman ang gumanti para sa kanya.

“Tama lang ang ginawa niya, huwag na lang siyang magsalita, huwag na siyang makisawsaw pa sa issue dahil nakapaghiganti na siya!

“Hindi na niya kaila-ngan pang mag-comment, nagpakita na ng tunay na ugali in public ang kalaban niya, ‘yun na ‘yun, di ba naman?

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa ba naman ang clue? Kasingliwanag na ng sikat ng buwan sa madilim na gabi ang kuwento!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending