Horoscope, March 11, 2019 | Bandera

Horoscope, March 11, 2019

Madam Sophia - March 11, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lakas ng loob ang kailangan upang tuloy-tuloy na umunlad ang kabuhayan.  Sa pag-ibig muling iinit ang pakikipag-relasyon pagsapit ng buwan ng Abril. Sa pinansyal, sa susunod na mga araw makapal na salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 1, 9, 19, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Green at gold ang buenas.   

Aries – (Marso 21-April 19)—Pag iipon ng maraming pera ang susi upang umunlad. Kapag may maganda ka ng kita, mag-tabi ng isang-libong-piso kada buwan bago gumastos. Sa pag-ibig, kapag marami ka ng pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “BabaEdit Edit date and timenam-Ke-Balam. Red at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag ng balikan ang nakaraan! Magpatuloy sa bagong naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo na isang Virgo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Aum-Name.” Violet at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Wala kang mapapala sa kanila. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na cute, tahimik at neat upang makasumpong ng true love. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Meun-Speculum.” Red at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag sarilinin ang mga problema. Kung hindi ka lalapit sa isang kaibigan, paano mo malulutas ang problema sa pera? Sa pag-ibig, wag dayain ang puso, aminin mo ng mahal mo ang isang Scorpio! Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Veda-Jahur-Jahur-Veda-Om”. Yellow at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo kang papangit.  Ngiti ang susi na magbubukas ng isang matamis at romantikong relasyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Ke-Balam.” Orange at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Kung lalo  mo pang sisipagan, malaking halaga salapi ang iyong kikitain. Tandaan mong sipag ang susi para yumaman. Sa pag-ibig, hayaan mong kusang mahulog ang loob sa iyo ng isang Libra, hindi ka dapat umiwas. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Mag hanap ng mga taong magaganda at guwapo. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig, ang kaakit-akit na kapaligiran ang lalo pang magpapasigla ng pagmamahalan. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty last forever!” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasang ubusin ang pera sa bisyo at sa blow-out. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa, ipunin ang libido sa summer vacation.   Mapalad ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel”. Yellow at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag katamaran ang mga bagay na pagkakaperahan, doblehin mo pa ang pagsisipag upang makamit ang pagyaman. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pakikipagbolahan sa kasuyong uto-uto.  Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Magsimula ka ng magsikap ngayon, wag iasa sa iba ang tagumpay. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa kasuyong tamad, palitan siya ng isang Taurus na masipag. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Gray at silver ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Ipayapa ang isip, sa ganyang sitwasyon, kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, meditation at page-exercise ang magtatanggal ng kamalasan, ito rin ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay at ng true love. Mapalad ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa panahoing ito ng tag-araw, sa  mga lugar na malapit sa nature, mas lilinaw ang isipan kung paano malulutas ang mga problema. Sa pag-ibig, kapag payapa  ang alon ng damdamin masarap na romansa ang makakamit.  Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending