Morissette sa pagso-sorry, pagtatanggol sa kanya ni Regine sa hater: Grabe! Sobrang priceless 'yun! | Bandera

Morissette sa pagso-sorry, pagtatanggol sa kanya ni Regine sa hater: Grabe! Sobrang priceless ‘yun!

Julie Bonifacio - March 09, 2019 - 12:35 AM

MORISSETTE AMON AT REGINE VELASQUEZ

PRICELESS para kay Morissette Amon ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Asia’s Songbird Regine Velasquez at papuring natanggap niya mula naman kay Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Nabasa mismo ni Morissette ang pamba-bash sa kanya ng isang fan ni Regine at aminado siya na sobra siyang nasaktan.

“Siyempre hindi po maiwasan na nasaktan din po talaga ako. Pero ako rin kasi ngayon kapag may nabasa ako na ganoon, deadma na. Pero talagang na-hurt po ako,” eksklusibong pag-amin niya sa amin nang makausap namin sa dressing room ng It’s Showtime.

Maraming beses na rin daw siyang na-bash pero ‘di raw niya masyadong pinapansin.

“Siguro dahil sa sobrang sanay na ako parang hindi na ako madaling maasar. Mas nagulat po ako kasi nakakuha ako ng notification sa phone ko na nag-tweet si Ms. Regs about that topic. So, siyemnpre parang, mas apekatado si Ms. Regs.

“I think first time, sa pagkakaalam ko, hindi siya laging ganoon na talagang kapag naiiinis or kapag nagdi-defend siya,” dagdag ng biriterang singer.

Sobra raw siyang na-touch sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Regine. And right after that ay nag-text agad sa kanya si Regine.

“Nag-sorry pa rin siya. Sabi ko, ‘Ms. Regs, hindi mo naman po kasalanan. Tsaka hindi natin kontrolado ang lahat ng tao. But sobra kong na-appreciate kasi, siyempre sa lahat ng achievementes ni Ms. Regs ay nananatili pa rin siyang grounded and very supportive sa mga bagong artists ngayon.

“And doon po sa pag-defend niya sa akain, parang grabe, sobrang priceless,” diin pa niya.

Sa isang interbyu naman kay kay Lani, sinabi niya na kung meron man daw siyang kinatatakutan na makasabayan sa kantahan on stage ito’y walang iba kundi si Morissette.

“Bakit po siya natatakot sa akin? Sana it’s a good thing na takot naman. Pero, hindi ko alam. Ngayon ko lang po kasi nalaman. Pero looking back po doon sa concert namin ni Ms. Lani sa Solaire sobra akong natuwa. Kasi sobrang humble din po niya. As in, parang barkada lang namin siya,” sabi pa ng Asia’s Phoenix.

Bongga siguro kapag pinagsama-sama sa isang concert ang tatlong biriterang “ibon” este singers. At ano naman kaya ang magiging title ng concert kapag pinagsama-sama si Songbird, Phoenix at Nightingale?

Anyway, with Regine and Lani na super ang support kay Morissette at bilib sa talent niya, ‘di malayong siya na ang papalit sa trono ni Pop Royalty Sarah Geronimo. Tamang-tama naman dahil mukhang gusto nang mag-settle down ni Sarah sa piling ng boyfriend niyang si Matteo Guidecelli.

q q q

Gaya ng inaasahan, dumating ang Star for all Seasons na si Cong. Vilma Santos-Recto sa burol ng kanyang loyal fan na si Marie Balbacui.

Dumalaw din sa burol ni Marie ang magkaibigan at parehong tumatakbong senador na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Samantala, present din ang magkaibigang Bong and Jinggoy sa ginanap na event ng Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement (FPJPM) kasama ang isa pang senatoriable na si Sen. Grace Poe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karamihan na dumating sa nasabing event ng FPJPM ay fans ng yumaong National Artist at ama ni Sen. Grace na si Da King Fernandoe Poe, Jr..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending