Babaeng overworked madaling ma-depressed | Bandera

Babaeng overworked madaling ma-depressed

Leifbilly Begas |March 05,2019
facebook
share this

Babaeng overworked madaling ma-depressed

Leifbilly Begas - March 05, 2019 - 04:50 PM

KUNG sa tingin ninyo ay may mga babaeng madaling ma-depressed, lahat ‘yan ay may dahilan.
At isa na riyan ay kung overworked ang isang babae — meaning nagtatrabaho siya ng mahabang oras pero mas maliit ang sweldo.

Ayon sa isang pag-aaral sa United Kingdom, mas madaling ma-depressed ang mga babae na nagtatrabaho ng labis-labis sa oras kumpara sa mga lalaki.

via GIPHY

Lalo pang nakararamdam ito ng depresyon kung pati weekend ay nagtatrabaho rin ito.

Hindi rin naman ito naiiba sa lalaki, na na-dedepressed din kung may work tuwing weekend.

via GIPHY

Ito ang resulta ng isinagawang pag-aaral ng University College London, Department of Research and Policy at Age UK, at Queen Mary University of London, sa datos ng 11,215 lalaki at 12,188 babae.

Ikinonsidera sa pag-aaral ang edad, marital status, anak, suweldo at kung gaano kakontento sa buhay ang mga lumahok sa pag-aaral.

Ang standard na 35-40 oras ng trabaho kada linggo ang ginamit na batayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lumalabas na ang mga babae na nagtatrabaho ng 55 oras o higit pa kada linggo at nagtatrabaho kapag weekend ay mayroong hindi magandang kondisyon ng kaisipan kumpara sa  mga babae na hindi nagtatrabago ng ganito kahaba.

Mas madali naman ma-depress ang mga may edad na, naninigarilyo at kumikita ng maliit. Ikinonsidera rin ang mga babae na kailangang magtrabaho ng weekend dahil maliit ang kanilang suweldo.

Dumaragdag din umano sa pagkakaroon ng depresyon ng mga babae ang pagtatrabaho ng walang bayad sa bahay pagkauwi galing sa trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending