Carlo etsapwera na sa serye nina Zanjoe at Angelica | Bandera

Carlo etsapwera na sa serye nina Zanjoe at Angelica

Reggee Bonoan - March 03, 2019 - 12:20 AM

CARLO AQUINO

IILANG linggo na lang sa ere ang Playhouse at base sa tumatakbong kuwento ay mukhang magkakabalikan na sina Patty (Angelica Panganiban) at Marlon (Zanjoe Marudo) dahil tuluyan nang nawala sa eksena si Doc Harold (Carlo Aquino) dahil napagod na siyang maghintay kay Patty.

Ganu’n din si Marlon na palaging inaaway ni Lea (Isabel Daza) nang dahil kay Patty.

Parang eksena rin sa tunay na buhay ang kuwento nina Angelica at Carlo na hindi naman pala nagkabalikan ang base na rin sa panayam ng aktor sa TV Patrol na umaming may dine-date ngayong non-showbiz girl.

Kaya naman nalulungkot ang CarGel fans dahil hindi na nila napapanood sa pang-umagang serye si Carlo.

Base naman sa episodes na umere nitong nakaraang linggo ay galit na galit ang business partner ni Peter (Ivan Padilla) na si Francis na tagabenta niya ng lupa dahil niloko rin siya kaya ibinuking ng huli kay Patty na planong patayin nito sina Natalia (Maxene Magalona) at Robin (Justin Quilantang) sa pagpunta nila sa Batangas para magbakasyon.

Kaya natataranta ngayon sina Patty at Marlon kaya magkasama nilang binaybay ang mga lugar na bakasyunan sa Batangas para hanapin sina Robin at Natalia.

Base sa teaser na napanood namin ay ikinulong ni Peter sina Natalia at Robin sa kuwarto dahil alam na nitong may planong tumakas ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending