DEAR Ateng Beth, magandang araw.
Salamat at may ganitong kolum sa Bandera. Kahit papaano ay nakakakuha ako ng tips tungkol sa love life.
Kaya nga sana pagbigyan mo akong magtanong tungkol sa problema ko. May boyfriend po ako, pero kakahiwalay lang namin.
Siya po ang nakipag-break sa akin noong January. Sabi niya nahihirapan daw siyang i-keep ang relasyon namin dahil daw ang dami kong restrictions.
Sa totoo lang kasi ateng, gusto niya kasing may mangyari sa amin. Ilang beses na niyang binalak pero ayaw ko. Kasi unang-una di ako sure kung siya na ba ang future ko. Tapos kakasimula ko lang mag-work at makatulong sa parents ko.
E, baka may mangyari sa amin at mabuntis ako nang wala sa plano. Parang ako ang sinisisi niya bakit di nag-work ang relasyon namin. Iniisip ko ako ba talaga ang mali? Bakit ba di ko siya pinagbigyan? – Shena
Hello, hello Shena!
Aba, mabuti na lang at nag-isip ka at may plano ka sa buhay.
Hayaan mo na yang ex mo na obviously isa lang ang ulong gustong gamitin.
Yung totoo, ikaw naman talaga ang dahilan ng break up… kasi kung pumayag ka, hindi ka niya ibi-break, iiwanan ka na lang yun ang posibleng mangyari at sure ako d’yan ‘teh!
‘Yang mga ganyang tipo ng lalaki na parating kama ang gustong puntahan, usually mga lalaking walang balak magseryoso sa relasyon.
Alam naman nilang ayaw mong may mangyaring walang kasal o nang ganito kaaga sa relasyon, dapat maghintay sila. Dapat magtiis sila. Dapat bini-break talaga yan dahil walang ibang patutunguhan ang relasyon ninyo.
So yes, ikaw ang may kasalanan ng break up dahil hindi mo pinagbigyan ang init ng katawan nya. Accept it and move on. But to tell you honestly, you made the right decision. Walang masama dun. Siya ang masama at hindi mo deserve ang ganong klaseng lalaki.
Ituloy mo lang ang plano mo sa sarili mo at sa pamilya mo. Alam kong narinig mo na ‘to, pero maraming lalaki dyan…yun nga lang marami na rin ang beki.
Ibigay mo ang sarili mo sa lalaking mahal mo at hindi in heat lang. ibigay mo ang sarili mo kapag ready ka na at hindi dala lang ng udyok ng boyfriend. Wag mong isiping mali ang ginawa mo, kasi tama at mabuti ang ginawa mo.
So tuloy lang ang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.