Derrick type i-paint ng hubo’t hubad si Solenn
Bukod sa showbiz career, nahihilig din ngayon sa pagpipinta ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio.
Recently lang daw siyang nagsimulang mag-paint at mala-abstract daw ang karamihan sa subject niya.
Ang kauna-unahan niyang natapos na painting ay ang Van Gogh’s “Starry Night” na sinundan pa ng iba’t iba pang obra na pinuri ng kanyang fans at ng mga kapwa niya Kapuso stars.
Tinanong namin ang binata sa nakaraang presscon ng upcoming series ng GMA na “Dragon Lady” kung saan may special appearance sila nina Kristoffer Martin at Bea Binene, kung sino sa mga Kapuso female stars ang gusto niyang i-paint ng nude.
“Si Solenn Heussaff, kasi para sa akin siya yung perfect na body ng isang babae,” sey ng Kapuso hottie.
Samantala, mapapanood na ang Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime sa direksyon ni Paul Sta. Ana.
Bibida rito sina Janine Gutierrez, Tom Rodriguez, Joyce Ching, Edgar Allan Guzman at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.