Cong lantaran pag-display sa jowang bagets | Bandera

Cong lantaran pag-display sa jowang bagets

Den Macaranas - February 27, 2019 - 12:10 AM

USAP-usapan ngayon sa Kamara ang pagiging matulis ng isang bigotilyong kongresista.

Kung dati ay itinatago ng mga pulitiko ang kanilang extra-marital affairs ngayon ay iba na talaga ang ikot ng mundo.

Tulad na lamang ng kwento ng pag-ibig ni Cong na kilala sa kanyang matanlinhagang pananalita maging sa session hall man o sa karaniwang kwentuhan.

Ilang beses na kasing naisama ni Cong sa kanyang opisina sa Batasan Complex ang kanyang batambatang girlfriend na ayon sa aking cricket ay nasa early 20s lamang.

Super-sweet ang dalawa kapag sila’y magkasama kahit ba sabihing halos apo na lamang ni Cong ang kanyang beautiful na chiching.

Unang nabisto ang pagkakaroon ni Sir ng batang karelasyon makaraan itong makitang nagsa-shopping sa isang mamahaling mall kamakailan.

Since nagkabistuhan na kaya siguro nagdesisyon na si Cong na ilantad na sa publiko ang pagkakaroon ng maganda at batang karelasyon.

Di lang batid ng aking cricket kung alam ng pamilya ni Sir ang kanyang extra-curricular activities pero malamang ay may idea na sila sa ginagawang kalokohan ng beteranong mambabatas na mula sa isang lalawigan sa Visayas.

Sa isang kwentuhan kasama ang ilang kaibigang mambabatas ay buong pagmamalaking sinabi ni Sir na wala pa raw siyang kupas pagdating sa panliligaw.

Pabiro namang nag-react ang isa pang mambabatas na syempre ay hindi na ipinarinig pa sa ating bida na kung hindi dahil sa pera ay malamang na hindi naman siya papansinin ang ipinagmamalaki niyang GF.

Ang mambabatas na putok ang pangalan ngayon sa apat na sulok ng Batasan Complex dahil sa kanyang maganda at batambatang girlfriend ay si Cong. C…as in Cash.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending