INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang mabigat na parusa laban sa mga bomb prankster.
Sa ilalim ng Anti-False Bomb Threat bill maaaring makulong ng limang taon at magmulta ng P1 milyon ang isang prankster kung ang pananakot nito ay magreresulta sa paglikas ng mga tao sa isang gusali pampublikong transportasyon, eruplano, barko at mga katulad na lugar.
Ipinagbabawal ng panukala ang sinuman, sa pamamagitan ng salita, sulat, e-mail, telepono, cellphone, fax machine, telegram, anumang printed material, social media at iba pang pamamaraan ng komunikasyon na magpadala ng bomb threat.
“Every false bomb threat which alarms an area leads to unnecessary anxiety for the people, disruption of regular activities, economic costs from the opportunity lost for productivity due to evacuation activities, waste of law enforcement and emergency response resources as well as time spent which should have been used for more pressing public concerns, among others,” ani Marikina Rep. Miro Quimbo, may-akda ng panukala.
Papalitan ng panukala ang “An Act Declaring as Unlawful the Malicious Dissemination of False Information of the Willful Making of Any Threat Concerning Bombs, Explosives or Any Similar Device or Means of Destruction and Imposing Penalties Therefor” (PD 1727).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.